Time Habang kumakain sa canteen ay hindi ko maiwasang pansinin ang mga kaibigan nila Tessa at Anna mula sa ibang mga selda. Mukhang meron silang mga grupo dito. Karamihan ay mag tattoo sa mga kagrupo kila Tessa at Anna. Si Emmy naman ay magisa lang sa isang lamesa at walang kasama kaya siya ang nilapitan ko at naki mesa na rin. Mukhang walang sinamahan na grupo si Emmy. Pero bakit naman kaya? Malamang ay ayaw niya ng gulo, dahil kadalasan iyong mga mag grupo sa kulungan ang napapaaway. O baka naman sanay na siyang mag isa dito? Naalala ko na nabanggit niya na malamang raw ay malaki na ang bata na iyon. Baka nga raw kaedad ko o mas matanda pa sa akin. So it means she's been here in the prison for over twenty years. Shit, that's a lot of years wasted inside this prison. She doesn'

