Reputation I stared at the ceiling of the waiting room where they put me in. Pagkatapos ng eskandalosong bagay na ginawa ni Mary ay agad akong kinuha ng mga pulis at sinigurado na hindi ako makakatakas. Halos sampung pulis ang humarang sa akin na para bang tatakas ako. Kung hindi Sila marami ay baka nga tumakas ako pero para saan pa? Alam na rin naman ng lahat na buhay ako at ang pagdakip sa akin ay kuhang kuha sa camera at malamang ay live iyon. Pinalabas na sa lahat ng tv networks sa bansa at maaring pati na rin sa international news. Malamang lahat ng nakakakilala sa akin ay nagulat na buhay pa ako. Ang iba naman ay masaya dahil nakuha na ako ng pulis at wala na ulit akong masasaktan at makakamit na ni Mary ang hustisya na matagal niya ng gustong makuha. I can't just imagine my pre

