Freedom I was wrong to misjudge them. Yes they made a mistake but they're still good people inside. Lalo na si Emmy, iyon ang tawag nila sa kan'ya dito. Ang babae na natutulog lang kanina ng pumasok ako sa selda. Hindi rin ito nabigla ng makita ako, na mayroong silang bagong kasama sa selda. Mukhang nirerespeto siya nila Tessa at Anna dahil nanahimik ang dalawa ng mag salita siya. Siguro dahil mas matanda siya kaysa sa dalawa. Hindi naman sa sinasabi ko na walang respeto sila Tessa at Anna. Tama nga ako dahil kaedaran lang niya si Mom. Kahit may edad na ito ay mapapansin mo pa rin ang ganda niya, siguradong mas maganda ito noong bata bata pa siya. Hindi katulad nila Tessa at Anna ay Hindi bulgar mag salita si Emmy isa pa ay may pagka mahinhin ang boses na kaya talagang mahihinto

