Doctor Huminto ako at hinarap ang tanawin. Inipit ko sa likuran ng tenga ang hibla ng buhok na hinangin. Malakas talaga ang ihip ng hangin sa dulong parte na ito ng Salsalota. I didn't appreciate the majestic top view of this hill when I first came here... "Aalis ka na talaga?" Chaos nodded and smiled. I sighed. Makalipas ang ilang araw ay napag pasyahan ni Chaos na umalis na sa Salsalota. Mainit daw sa mata ng mga pulis ang baguhan na tulad niya lalo na at kalat sa buong barangay ang mga pagnanakaw. May iba pa atang grupo na nagnanakaw bukod sa aming dalawa kaya lumalala ang mga krimen at naging mahigpit na ngayon dito. Sinamahan ko si Chaos sa pinaka dulong parte Salsalota, kung saan ay bulubundukin at wala gaanong napuntang tao. Pagbaba sa bangin na ito ay maari niyang tahakin

