" Sa ngayon ay stable ang pasyente. Pero Miss Delavin, agarang operasyon ang kailangan ng kapatid mo. Hindi na biro ang kalagayan ng puso niya at maari na niyang ikamatay sa susunod na mahirapan siyang huminga," pag-imporma sa akin ng doktor na kausap.
" Magkano naman ho ang kailangan?" tanong ko.
"Mga doctor, espesyalista, gamot, board at lodging, maaring abutin ng kalahating milyon pero hindi ako sigurado."
Umiiyak na tinitigan ko si Agatha. Ang kapatid ko lumalala na pala aang nararamdaman ay hindi ko pa namamalayan. Kasalanan ko. Masyado akong naging okupado kaya nagkulang ako sa kanya. Dapat ay mas naging mapilit ako na patignan siya sa doktor. Ngayon ay nagdedelikado ang buhay niya. Napakalaki ng halagang kailangan para sa operasyon niya. May naitatabi pa ako pero hindi iyon sasapat. Saan ko kukunin ang kulang?
"Hija, kunin mo na 'to," pukaw sa akin ni Nana Salve.
Nanghihinang napayakap ako sa kanya. " Salamat po, Nana."
Mahina siyang tumawa.
" Walang anuman. Para ko na kayong anak na magkapatid. Kaya hangga't kaya ko ay tutulungan at aarugain ko kayong dalawa."
Marahan niyang hinahaplos ang aking likod. Like a mother making her child feel better after having the worst day of her life.
Napahagulhol ako sa mga bisig ni niya.
These past few days, I've been through a lot of hell. But I managed to survive all of it, bravely. Pero ngayon, ang katotohanan na may posibilidad na mawala sa akin ang kapatid ko ay labis na nagpapahina sa akin. Bakit ba sa tuwing may sumisilay na liwanag sa landas ko ay dagli iyong napapalitan ng kadiliman na siyang mas lalong nagpapahirap sa akin? When will this god forsaken journey of mine ends?
Mawawalang saysay ang lahat ng hirap at pagtitiis ko kapag may nangyaring masama sa kapatid ko. Hindi ko kakayanin.
Nang lumuwag ang pakiramdam ay bumitaw ako ng yakap kay Nana Salve.
" Malaki pa po ang kailangang halaga para sa operasyon ni Agatha," wika ko habang pinupunas ang luha.
" Saan ka kukuha ng pandagdag?"
Maari akong bumalik sa club para muling sumayaw. Pag may nagtangka na muling hawakan o hipuan ako ay hndi na ako papalag hanggang sa makumpleto ko ang kalahating milyon.
"Hindi ko pa po alam, Nana," ang tanging nasabi ko dahil hindi ko pwedeng sabihin ang pinaplano ko.
Agatha's life is at stake. I must do anything to save her, to stay true to the promise I had made to my stepmother. She needs me now more than ever.
"Sige na naman po Mama Sang, pabalikin 'nyo na ako. Kailangan ko ng pera para sa kapatid ko."
Iritableng pinali niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso.
"Hindi na nga pwede, Elora. Pinablacklist ka na ng may-ari. Ayaw ka ng pabalikin pa dito."
No. Hindi pwede. Dito na lang ako sa club na 'to pwedeng kumita at makalikom ng perang kailangan ko.
" Mama Sang...parang awa mo na..tulungan mo naman ako," kulang na lang ang lumuhod ako habang nakikiusap dito.
" Hindi naman sa wala akong puso pero wala na talaga akong magagawa pa," nakaramdam ako ng pakikisimpatya mula rito. At base sa anyo nito ay mukha talagang wala na itong magagawa pa.
Marahan akong tumango at tumalikod na. Napasapo ako sa aking noo habang nag-uunahang pumatak ang aking luha.
"May isa pang paraan kung gusto mo talagang magkapera at bumalik dito sa club."
I immediately turn to her not minding my wet cheeks.
"Si Zorayda."
Napasinghap ako. Si Madam Zorayda ay namamahala pagdating sa booking ng mga escort girl. Siya rin ang nangangasiwa sa pagbebenta ng kababaihan dito sa club.
At ang pagbanggit sa kanya ni Mama Sang ay nangngahulugan lamang ng isang bagay.
I have to sell myself.
"Birhen ka pa kaya madaling makakakuha ng mayamang pwedeng magbayad ng malaki para sa'yo. Kung talagang matimbang sa'yo ang kaligtasan ng kapatid mo ay papayag ka. Ora mismo ay makukuha mo ang halagang kailangan mo," pangungumbinsi niya pa sa akin.
I stared at her blankly while analizing her words. Then, I slowly nodded.
"Sigurado ka na ba, Elora? Pag-isipan mo munang maigi bago ka sumige?" si Miles.
Pagod akong ngumiti. Kanina niya pa ako kinukulit. Pilit na inaawat upang baguhin ang isip ko.
" Buhay ng kapatid ko ang nakasalalay kaya hindi ko na dapat pang pag-isipan."
"Pero puri mo ang nakasalalay dito! Sa oras na makuha ng kung sinuman ang pagkabirhen mo ay hinding-hindi mo na 'yon mababawi pa, lalong hinding-hindi na maibabalik pa!"
I stop and put down the brush of make-up on my hand.
" Mas mahalagang manatiling buhay ang kapatid ko kahit sa ano pa mang bagay na meron ako. Ililigo ko lang pagkatapos ay magiging okay na ako," paniniguro habang pilit na pinasisigla ang boses.
Miles is a good woman. Pinatunayan niya 'yon sa akin. She may have a filthy job but her dignity cannot be defy because of it. Naikwento na niya sa akin ng buo kung bakit niya ginagawa ang gantong klase ng trabaho. Binibenta niya bilag kalakal ang sariling katawan upang matustusan ang pamilya sa probinsya. Sacrificing yourself for the welfare of others with pure intentions in your heart is a very noble thing regardless on how you would do it.
At ngayong nasa desperada akong sitwasyon ay alam kong mas maigi na rin ito. Wala akong masasaktan. Sarili ko lamang ang isasakripisyo ko.
Hindi tulad noon na nagawa kong makasakit ng damdamin. Napapikit ako ng dumaan sa aking isip ang partikular na mukha ng taong iniisip.
Given the circumstaces, I would still want to give myself to the only man I had ever love. To the only man that my heart still beats for. Sa kabila ng putik na tinatapakan ko ngayon, ay siya pa rin ang inaasam ng puso ko. I want to see him again. I want to be cage ini his arms againn. I want to feel his love again. Pero paano? Marcus is my safe haven and my blanket of comfort back then. But now, he is the greatest impossible in my life. Malabo ng makita at makapiling ko pa siyang muli.
After this night, I will never be whole again. Tuluyan ng maglalaho ang pinakaiingatan kong sarili. Tuluyan na ring maglalaho ang katiting na pag-asang magiging karapat-dapat ako sa pagmamahal ng lalaking pinakaiibig ko.
Tulalang nakatitig ako sa malapad na salamin sa aking harap ng biglang bumukas ang pinto nitong dressing room. Bumungad si Madam Zorayda at umaahon ang kakaibang kaba sa aking dibdib. She walks towards me and muttered insulting words. Pero pinalampas ko lang.
Umakyat na ako sa silid kung saan naghihintay ang customer nasinasabi ni Madam Zorayda.
Malalim akong bumutong-hininga habang pipingn hinihiling na sana ay si
Marcus na lamang ang naghihintay sa akin sa kabila ng pinto.
"Come in," I felt shivers run to my nerves down to my spine.
Pinihit ko ang seradura at buong tapang na humakbang papasok.