Chapter 14

1195 Words
Humihikbing bumuhat ako sa kama. Paika-ika akong gumalaw habang isa-isang pinupulot ang aking saplot at isinusuot. Tinungo ko ang nakapinid na pinto. Pero bago ako lumabas ay nilingon ko ang kama. Bukod sa matinding kirot na nagmumula sa kaselanan ko, ang pulang mantsang naiwan sa ibabaw ng sapin ay pruweba na wala na ang pinakaiingatan kong puri. Humigop ako ng hangin bago tuluyang lumabas ng silid. Makakalimutan ko rin ang gabing ‘to. I should not make this a big deal. I wiped my tears off and put my expressionless face on. Iniabot sa akin ni Madam Zorayda ay isang puting sobre pagbalik ko ng dressing room. Wala siyang salita pero ang mga mata niya ay puno ng pangkukutya habang nakatingin sa akin. Pumasok ako ng banyo. Ramdam ko ang panlalagkit kaya minabuti kong hugasan ang sarili. Napangiwi pa ako sa sakit. Matapos ay nagpalit ako ng damit at nagpasyang bumalik na ng ospital. Wala pa ring malay at may oxygen mask na nakaratay sa kanyang hospital bed si Agatha. Sa tabi niya ay nakayukyok ang natutulog na si Nana Salve. Marahan ko itong tinapik at agad nagising. “Kamusta po si Agatha?” Malungkot na umiling si Nana Salve. “Hindi pa rin siya nagigising.” Tipid akong ngumiti. “Huwag po kayong mag-alala. Mapapaopera ko na si Agatha. May sapat na akong pera.” “Saan ka kumuha?” Napalunok ako sa tanong nito. “S-sa trabaho po, nana. M-may nagpahiram po sa akin,” kinakabahang sagot ko. Ayokong ipabatid ang totoo. Pero kung sakali mang malaman ito ni nana, alam kong maintindihan niya ako. Hindi ko lang gustong makaramdam siya ng awa para sa akin dahil iyon na mismo ang nararamdaman ko para sa sarili. Tumango siya sa akin at di na muling nagtanong pa. “Nana, umuwi na po muna kayo para makapagpahinga ng maayos sa bahay. Ako na po muna ang bahala kay Agatha,” wika ko matapos itong pukawin. Pag-alis nito ay ako naman ang pumalit sa kinauupuan nito kanina. Tulalang napatitig ako sa aking kapatid. My body feel so tired but I can’t even get my eyes to shut and take a nap even for a bit. Napakaraming bagay na tumatakbo sa isip ko. My virginity is gone. Gusto kong pagsisihan ang pagkawala nito pero nagpapasalamat ako dahil nawala man ay kapalit nito ang magdudugtong sa buhay ng kapatid ko. And my only consolation was I got to give it to my first and only love. Muli na namang gumapang ang sakit sa dibdib ko. Marcus, his ruthless now. Hindi ko alam kung anong nangyari matapos ng huli naming pagtatagpo sa simbahan. Pero may parte sa akin ang natutuwa sa nakikitang pagbabago sa estado nito sa buhay. Everything about him now screams of power and wealth. Noon pa man ay pinangarap na ni Marcus ang umangat sa buhay upang magpantay kami at matanggap siya ni mama para sa akin. At ngayon na narating na niya iyon ay ako naman ngayon ang nasa mababa. Mapait akong ngumiti nang maalala ang mga pangako niya sa akin noon. Pangako ng pagmamahal at habambuhay. Na ako mismo ang nagbigay ng tuldok at tumapos. Ibang-iba na siya ngayon! Ngunit ang lahat rin sa kanya ay nagsusumigaw ng labis na pagkapoot sa akin. Ang aluin ako matapos niyang makuha ang pinakaiingatan ko ay ang huling bagay na inaasahan ko mula sa kanya. He paid for it anyway. Pero ang mga binitawan niyang salita? Do I really deserve all of it? Maybe that’s what I get for hurting him before, huh? A pathetic slut. Ang huling tatlong salita niyang iyon ay tila naiwan na sa aking pandinig. Ang lahat ng mga salitang binitawan niya ay daig pa ang espadang tumarak sa buong pagkatao ko. Sobrang sakit na hindi ko na magawang hugutin mula sa pagkakabaon. Marcus did not just change physically but also in every aspect of life and attitude. At sa lahat pa talaga ng pagkakataon ay sa club pa kami muling nagkita, kung kailan ako nasa pinakamababang parte ng buhay ko. That place took everything from me. My innocence, my pride and my dignity. Kaya hindi na ako babalik pa sa lugar na ‘yon. Kahit pa nga ba sa lugar din na ‘yon ko muling nasilayan ang pinakaiibig. I mentally checked the white envelope that was handed to me. May kakapalan iyon. Binulatlat ko. Sa tantiya ko ay sapat na ang halagang iyon upang maoperahan si Agatha. Ang ibang gastusin paglabas dito sa ospital na lamang ang iisipin ko. Inilabas ko ang salapi at nanlaki ang mata ko ng makita ang isang blankong tseke. Walang halagang nakalagay pero may pirma ni Marcus. He did offer me millions but a blank check? It would only mean that I can put any amount that I would want. Ibig sabihin ay hindi na talaga biro ang kayamanang meron siya ngayon. The cash is enough. Hindi ko na matatanggap pa ang tseke. Isosoli ko ito sa kanya. Pero paano? Babalik ako sa club? Magtatanong? Hahanapin siya? Saan? At kung magkita kami ulit, harapin kaya niya ako at kausapin? Nanlulumong napasandal ako sa upuan. Lahat ng naisip ko ay mukhang imposible. Isinilid kong muli ang pera at tseke sa sobre at ibinalik sa aking bag. ‘Tsaka ko na ‘yon iisipin. Sa ngayon ay si Agatha na muna ang aasikasuhin ko. Sa oras na gumaling ang kapatid ko ay ‘tsaka ko na lamang haharapin ang pagsoli ng tseke kay Marcus. Yumuko ako sa gilid ni Agatha at pumikit. Dala na marahil ng sobrang pagod ay nakatulog ako. Nagising ako ng makarinig ng pagkaluskos at mga yabag. “Good morning, Ma’am. Ililipat lang po namin ang pasyente sa mas pribadong silid,” ani ng nurse na nakamulatan ko. Naroon na si Nana Salve na mukhang kararating lang. Nagtatakang tumayo ako. “Pero bakit?” pribado itong ospital at may kamahalan ang mga silid kaya semi-private ward lamang ang inookupa namin. Kapag sa mas pribado pa ay magkulang na talaga ang hawak kong pera. “Sandali,” awat ko sa nurse. Magtatanong pa sana ako rito ng mahagip ng aking tingin ang isang lalaking nakatayo sa gilid ng pinto ng silid. He was wearing the usual long sleeves polo tucked in black slacks with a pair of black shoes. May suot rin itong salamin at maayos na nakasuot ang necktie. Napakaseryoso at walang kangiti-ngiti sa mukha. Nilapitan ko ito. “Sino ka?” walang kaabog-abog na tanong ko. He did not say a word. Instead, he took a glimpse of his wrist watch before motioning me get out. “My boss wants to meet up with you.” Nag-aalinlangan man at balot ng pagtataka kung sino ang boss na tinutukoy nito ay sumunod ako rito. “Sino ba ang boss mo? Siya ba ang may utos na ilipat ng silid ang kapatid ko? At bakit siya nakikialam sa akin?” sunod-sunod na tanong ko habang naglalakad. But the man doesn’t seem to mind me and just keep on walking. Sa parking lot ng ospital kami humantong. Magtatanong pa sana ulit ako ng bumukas ang pinto ng isang itim na kotse at bumaba mula rito si Marcus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD