BRIDGETTE'S POV... AGAD AKONG umakyat sa kuwarto ko, para itago ang bulaklak. Ang lakas ng kaba ko, dahil nag-aalala ako na baka biglang lumabas si Kuya Alfie sa kuwarto niya at makita ang hawak ko. Siguradong basurahan na naman ang makikinabang sa bulaklak na bigay sa akin ni Chief. Inilagay ko ang mga bulaklak sa ibabaw ng dressing table ko, saka ako muling bumaba para puntahan si Daddy. Tama naman na tapos nang maligo si Daddy at nakabuhis na siya, kaya sabay na kaming nagtungo sa kusina para mag-breakfast. "Umupo muna kayong mag-ama d'yan at magsasandok ako ng kanin." sabi ni Mamang at nagmadaling nagtungo sa kusina. "Ate Steph, hindi pa ba bumababa si Kuya Alfie?" tanong ko kay Ate Steph. Excited na kasi akong makilala ang bago kong Ate. "Hindi pa naman siya lumalabas ng kuwart

