BUHAT ng mga lalaking Nurse ang foldable stretcher na kinahihigaan ni General Magtibay. Ipinasok nila ito sa loob ng helicopter at nilagay sa pagitan ng mga naka upong pamilya nito, kaya muling napaiyak si Bridgette, dahil sa awa at takot para sa ama. Pati si Apple ay pumalahaw na naman ng iyak, dahil sa nakikita niyang ayos ng kanyang Lolo.
Sakay sila ng Helicopter patungo sa MD. CHARLOTTE'S HOSPITAL. Isa itong Private Hospital na kilala sa buong bansa. Paglapag ng helicopter sa roof top ng hospital ay agad naman silang sinalubong ng mga Nurse at Doctor na naghihintay sa kanila. Paglapag pa lang ng Helicopter ay agad nang lumapit ang mga nurse, at Doctor, para ibaba ang kanilang pasyente. Mabilis nila itong isinakay sa stretcher, at patakbong ipinasok sa loob ng elevator na magdadala sa kanila sa mismong operating room.
Agad namang bumaba ang pamilya Magtibay at nagmamadaling pumasok sa elevator sa kabila, para puntahan si General sa Operating Room, at malaman kung anong nagyayari sa matanda.
Dinala naman ni Primo ang asawa sa Emergency Room, para patingnan si Steph. Nag-aalala siya sa asawa, dahil sa pananakit ng puson nito. Mag-apat na buwan nang buntis si Steph, kaya natatakot sila na baka may masamang mangyari sa kanilang pangalawang anak.
Buhat ni Alfie si Apple, dahil iyak ng iyak ang bata dahil sa takot nito sa nangyari sa kanila sa bahay. Malalaki ang hakbang ni Alfie na nagtungo sa may Operating Room. Nakasunod naman sa kanya sina Bridgette at Cion. Naka alalay si Bridgette sa kanilang ina, dahil nanginginig pa rin ito sa takot.
Pinaupo nila ang kanilang ina sa upuan sa may Lounge, upang makapahinga ito. Ibinaba na rin ni Alfie si Apple sa tabi ng ina, para mapatulog ang bata. Kumuha ng kumot si Alfie sa loob ng cabinet at kinumutan ang ina at pamangkin na nakahiga sa malapad na sofa.
Si Bridgette naman ay walang imik na naka upo sa pang isahang sofa. Hilam ang mata sa luha at nababalot pa rin ng takot para sa ama.
Lumabas naman si Alfie, para tawagan ang kanyang mga tauhan. Pinapunta niya ang mga ito sa hospital, para sunduin sila at ihatid sa kanyang bahay sa isang exclusive subdivision.
Matapos niyang makausap ang mga tauhan ay muli siyang pumasok sa lounge at umupo, para hintayin ang paglabas ng doctor. Makalipas ang halos kalahating oras ay lumabas din ang doctor.
Agad na tumayo sina Alfie at Bridgette, para tanungin ang kalagayan ng kanilang ama.
"Doc, kumusta ang Papang ko?." agad na tanong ni Alfie sa kaibigang doctor. Si Doctora Charlotte Del Rosario, ang nag-iisang anak ng dating Presidente ng Pilipinas.
"H'wag ka nang mag-alala, Attorney, dahil maayos na ang lagay ng father mo. Nagkaroon siya ng mild stoke, pero naagapan naman namin. Masyado lang stress si tatay, kaya tumaas ang dugo n'ya, Attorney. Kailangan muna niyang manatili dito sa hospital ng ilang araw, para ma-monitor namin siyang mabuti. Sa ngayon ay tulog pa siya, dahil sa ibinigay naming gamot sa kanya, para maka relax ng husto ang kanyang katawan. Baka bukas na siya magising. Inaayos lang ang kanyang dextrose at oxygen, para dalhin sa private room mo, Attorney." sagot ni Doctora Charlotte.
"Maraming salamat Doc!" sagot ni Alfie sa kaibigan. Nakahinga silang lahat nang malaman nilang maayos na ang kalagayan ng kanilang ama.
"Tayo na sa Private room ko. Doon na natin hintayin si Papang, para makapagpahinga kayong mabuti doon." pagyaya ni Alfie sa ina at kapatid. Muli niyang binuhat si Apple, dahil nakatulog na ito, dahil sa sobrang pagod. Sumakay sila sa elevator patungo sa mga Private room.
Pagtapat nila sa pintuan ay nagtaka si Bridgette, dahil nakalagay sa pintuan ang pangalan ng kanyang Kuya. Ngunit hindi naman niya tinanong ang kapatid, dahil nakita niyang parating na ang stretcher ng kanyang ama. Tumabi muna sila, para maipasok sa loob ang ama at malipat sa isang hospital bed na naka abang sa loob.
Matapos lumabas ang mga Nurse na naghatid sa kanilang ama sa loob ng kuwarto ay agad naman silang lumapit sa natutulog na ama.
Awang-awa si Bridgette sa kanyang Daddy, dahil sa nangyari rito. Naka oxygen ito at may dextrose sa kamay. May naka ipit pa sa isang daliri nito, upang mabasa ng monitor ang oxygen level ng katawan nito.
Dumating na rin sina Primo at Steph sa loob ng kuwarto, at may pagtatakang pinagmasdan ang loob ng kuwarto. Kinabahan din si Primo, dahil alam niyang mahal ang bayad sa ganoong kagandang kuwarto sa hospital. Nag-alala ito, dahil hindi niya alam kung saan sila kukuha ng perang ipambabayad sa hospital.
"Bro, bakit dito sa mamahaling kuwarto mo dinala si Papang? Baka hindi natin kayang bayaran ang hospital, dahil sa mahal ng charges nila sa ganitong uri ng kuwarto." saad ni Primo na may pag-aalala.
"Kuya, h'wag mong isipin ang pambayad sa hospital, dahil sagot ko na lahat." sagot niya sa kapatid. "Tayo na sa parking lot, naghihintay na ang sundo natin doon. Uuwi na tayo sa bahay ko, para makapagpahinga kayong lahat." pagyaya din niya sa mag-asawa.
"Mamang, sumama na kayo sa akin pa-uwi para makapag pahinga kayo nang maayos sa bahay. Meron naman nurse na magbabantay dito kay Papang. Mahigpit ang security ng hospital na 'to, kaya ligtas dito si Papang." wika ni Alfie sa kanyang ina.
"Sige, anak at ako'y nasusuka sa amoy ng mga gamot dito sa Hospital. Hindi talaga ako makatagal sa ganitong lugar. Baka magkasakit pa ako dito." sagot ng kanyang ina.
"Kuya, dito na lang muna ako sa hospital. Gusto kong samahan dito si Daddy." sabi ni Bridgette. Hindi niya kayang iwan ang kanilang ama na mag-isa sa loob ng kuwartong iyon.
"Okay, Bridge. Babalikan ko na lang kayong dalawa dito bukas." tugon niya sa kapatid, saka niyakap ito.
"Salamat, Kuya." pasalamat ni Bridgette.
Kinuha ni Alfie ang kanyang calling card at ibingay kay Bridgette. "Tawagan mo agad ako, kung may problema dito." bilin niya kay Bridgette, habang inaabot ang kanyang calling card.
"Okay, Kuya. Mag-iingat kayo sa daan, Kuya." tugon ni Bridgette, saka niya niyakap ang kapatid. Niyakap din niya sina Primo at Steph. "Mamang, magpahinga po kayong mabuti doon sa bahay ni Kuya. H'wag niyo kaming alalahanin dito ni Daddy. Safe kami sa lugar na ito." bilin din niya kay Cion.
"Salamat, anak. Sige na, mauna na kami." paalam din ni Cion sa dalaga.
"Tayo na Mamang, para makapag pahinga kayo ng maayos doon sa bahay. Baka kayo naman ang magkasakit, dahil sa sobrang pagod at pag-aalala niyo." Wika ni niya sa ina, saka niya ito inalalayang makatayo. Kasunod naman nila ang kuya niya na buhat ang natutulog na si Apple, kasabay ang asawa nito.
Pagdating nila sa parking lot ng hospital ay agad silang sinalubong ng mga tauhan ni Alfie. Agad nilang kinuha ang mga gamit na dala nila, at agad na isinakay sa likod ng Van. Inalalayan din silang makasakay ng driver, at agad na isinara ang pinto pagkasakay nila sa loob.
Agad na pinaandar ng driver ang Van at umalis na sila sa lugar. Tahimik lang na nakikiramdam si Primo, dahil sa mga kakaibang nakikita niya ngayon sa kapatid. Alam niyang malaki ang sahod ni Alfie sa pagiging Lawyer nito, pero kung iisipin ay higit pa sa sahod ng isang Lawer ang kakailanganin, para ma-afford nito lahat ang mga sasakyan na nakita niyang sumundo sa kanila.
Hindi naman nagtagal ay nakarating sila sa gate ng exclusive subdivision, kung saan nakatayo ang bahay ni Alfie. Hindi makapaniwala ang ina at kapatid niya nang makita nila ang napakalaking mansion na pag-aari ni Alfie. May mga kasambahay pang sumalubong sa kanila, kaya halos hindi makagalaw ang kanilang ina sa pagkagulat.
"Bilib na talaga ako sayo, Bro. Hindi ko akalain na ganito kana kayaman." saad ni Primo, habang pinagmamasdan ang napakaganda at lawak na living area ng bahay ni Alfie.
"Sa ating lahat ito, Kuya. Tayo na sa itaas at dadalhin ko kayo sa magiging kuwarto ninyo, para makapag pahinga na si ate at maipahiga mo na rin si Apple." aniya sa kapatid.
Agad naman na sumunod sa kanya ang mga ito at dinala niya ang kapatid at asawa nito sa magiging kuwarto nila.
Ang pinakamalaking guestroom ang ibinigay niya kina Primo at Steph, para magkasya silang tatlo sa kama.
"Kuya, dito kayo matutulog nila Ate. Malaki ang kama dito, kaya kasya kayong tatlo na matulog dito. May sarili ding banyo at kompleto sa mga gamit sa loob." aniya sa kapatid na abala sa pagtitig sa loob ng kuwarto. "Kung may kailangan kayo, nasa kuwarto lang ako. Pahinga na kayo, Kuya, bukas na tayo mag-usap." dagdag niya, saka isinara ang pinto.
Ibinigay naman niya sa ina ang isang guestroom na malapit sa kanyang kuwarto, para madali niyang mapuntahan ang ina, kung may kailangan siya rito.
"Mamang, dito naman ang magiging kuwarto niyo. May sarili din kayong banyo sa loob, kaya hindi na kayo lalabas para umihi." saad niya sa ina.
"Salamat, Anak. Napaka malihimin mo talaga, Alfie. Kung hindi pa nangyari sa atin na may magtangka sa mga buhay natin, hindi mo pa sasabibin sa amin na asensado kana sa buhay." natutuwang sambit ni Cion sa anak.
Matapos maihatid ni Alfie ang ina sa magiging kuwarto nito ay nagpaalam na rin siya, upang magpahinga. Ngayon niya naramdaman ang pagod at antok. Kaya naman agad na siyang naghanda sa kanyang pagtulog.
******
KINABUKASAN ay maagang dumating si Alfie sa hospital. May mga dala itong mga pagkain, para sa ama at kapatid.
Tuwang-tuwa naman na sinalubong ni Bridgette ang kapatid at niyakap ito. Agad siyang pina upo ni Alfie at inilabas niya ang mga dala niyang pagkain, para makakain silang dalawa.
Mahimbing pa rin natutulog si General Magtibay, kaya sila lang dalawa ang kumain ng agahan.
Masaya din silang nagkuwentuhang magkapatid, habang kumakain ng breakfast.
Patapos na silang kumain ng may marinig silang kumakatok sa pintuan.
"Ako na, Kuya." presinta ni Bridgette at mabilis niyang binuksan ang pinto. Ngunit nagulat si Bridgette, dahil sa nakita niyang nakatayo sa labas ng pintuan.