PAGKATAPOS KUMAIN ay agad kaming naghanda para sa aming pag-alis. Kami nila Aziah at Honey ang umalalay sa mga trainees para bigyan sila ng kaukulang @ŕmas para sa kanilang skills. Pati sa pagbibihis ay naka alalay kami sa kanila, dahil ito ang unang beses nilang sasabak sa mission. Nakahanda na kaming lahat nang dumating sina Doctora Charlotte at Ate Dianne. May inoperahan pa si Doctora Charlotte, kaya siya natagalan. Si Ate Dianne naman ay galing sa Baguio para sa isang meeting. Agad kaming bumaba sa basement para sumakay ng Van, para magtungo sa Cavite. Huhuliin namin ang K¡||ɛr na nagtatago sa isang liblib na lugar sakop ng Cavity. Dalawang kulay itim na van ang sinakyan namin. Tahimik lang kaming nakaupo sa loob ng Van, kasama si Agent Sky. Abala siya sa kanyang computer na nari

