BRIDGETTE'S POV.... Maaga akong ginising ni Kuya Alfie, para magsimula sa aking training. Ok lang naman sa akin ang magising nang maaga. Sanay akong gumising ng maaga noon sa Mindanao. Dito lang naman sa Manila ako natutong gumising ng tanghali dahil hindi naman ako umaalis ng bahay. Tumakbo kami pa ikot dito sa mansion ni Kuya Alfie. Nakakadalawang ikot pa lang kami ay sumusuko na si Ate Evette. "Alfie, pahinga muna tayo." habol ang hiningang sabi ni Ate. "Okay, Dear! Sa ngayon p'wede kang magpahinga. Isang linggo lang na may pahinga, pagkatapos ay deretsong 30 minutes na ang tatakbuhin mo. And after one month, isang oras na!" sagot ni Kuya Alfie. "Grabe naman ang 30 minutes na walang pahinga! Papat@ÿ!n mo ba ako?" reklamo ni Ate. "Kaya mo 'yon, sweetheart. Kaya mo ngang umupo

