NAUNA akong kumain, dahil iyon ang utos sa akin ng babaeng sundalo na nagbabantay sa amin dito sa boarding house. Nakatayo lang ito sa labas ng bahay at may hawak na radio. Hanggang sa muli itong pumasok dito sa malawak na living area ng boarding house at lumapit sa isang cabinet na may gulong. Kumuha siya ng mga damit mula sa loob at ipinasok sa loob ng room #5. Muli siyang lumabas at muling kumuha ng mga damit at ipinasok naman sa room #6. Ngayon ko naunawaan na saka lang pala ilalagay ang mga uniform sa loob, kung alam na nito kung sino ang gagamit sa kuwarto. Paunahan pala matapos sa task, para malaman kung anong number ka nararapat. Mayamaya pa'y dumating na sina Honey at Maxine. Si Honey ang number 5 at si Maxine ang number 6. Halos hindi sila makahakbang sa pagod na dumating

