CHAPTER 13: ASKING... FOR BLESSING

1749 Words
Masasakit na katawan ang una nyang naramdaman ng gisingin sya ni Daven ng umagang iyon upang maghanda sa pagpasok sa trabaho.. "Wifey wake up na po." malambing nitong saad habang hinahalikan ang tungki ng kanyang ilong.. umungol naman sya bilang pag protesta. "Parang ayaw ko munang pumasok, babe." tinatamad nyang saad sabay talukbong ng kumot para muling bumalik sa pagtulog. Narinig nyang tumawa ang binata. "You need to, wifey. May iniwan sayong trabaho si Chef remember?" pagkumbinsi nito sa kanya at tangkang aalisin ang kumot na nakatalukbong sa kanya ng muli nya itong hatakin pabalik. Narinig nyang natawa ang binata dahil sa kanyang inasal. "Eeehhhh. Hindi nga po maganda ang pakiramdam ko." pag iinarte nya. Mula sa pagtawa ay napalitan ng pag aalala ang nabanaag sa mukha ni Daven. Niyakap sya nito ng mahigpit habang sya ay nababalot ng comforter. "Sorry po wife ko..." malambing nitong pag aalo sa kanya. "mag warm bath ka na lang muna para mabawasan ang pa****kit ng katawan mo po. Ipaghahanda po kita huh." pag kumbinsi nito sa kanya. Narinig nya itong pumasok ng banyo at ipinaghanda sya ng maligamgam na pampaligo. Hindi nagtagal ay binalikan sya nito at muling sinuyo. "Your bath is ready wife. Bangon na... Kaya mo bang tumayo?" tanong nitong mayroon pa ring pag aalala. "uh-ho." "Do you want me to carry you?" Daven's voice teasing and winked at her. May kasama pang pakagat labi ito. Hinampas nya naman ang braso nitong kaysarap yumakap. Natawa naman ito. "Nako Daven huh. Tigilan mo yan. Masyado kang mapangahas. Kaya ko okey?" natatawa nyang sita sa inasal ng binata bago tuluyang bumaba na sa kama. Masyado itong magaling mang akit. Nako baka hindi sya makapagpigil at mas lalong hindi sila makapasok ng trabaho. "Are you sure?" pangungulit pa rin nito. "Oo nga sabi, medyo masakit lang y-yong ano..... yung a-no ko." nahihiya nyang pag amin. "hahahaha. That's natural my beautiful wife. Tara na" inabot nito ang kanyang braso at inalalayan sya hanggang makapasok sa banyo. Napaka swerte nya sa binata, dahil napaka maalalahanin nito at maalaga. kahit noong mga panahong hindi pa sila nagpapasyang totohanin ang kanilang relasyon ay sadyang maalalahanin na ito at maasikaso rin. Dumoble nga lang ito sa pagkalambing sa kaniya ng maging sila na. "I'll wait you outside. Mag prepare lang muna ako ng breakfast natin huh?" paalam nito sabay halik sa kanyang pisngi. "Okey." tanging sagot nya at nagsimula ng maghubad pagkalapat ng pinto pasara. Inabot ng sampong minuto ang kanyang pagbababad sa maligamgam na tubig na may mabangong strawberry and vanilla bubble bath bago nagpasyang magbalaw. Naghahanda na ng pagkain sa lamesa si Daven ng lumabas sya mula sa kwarto. Nakaligo na rin ito ngunit hindi pa nakabihis ng damit. Ngunit nakasuot na ito ng pantalon at tanging apron lang ang nagtatakip sa pang itaas nitong katawan. Napangiti naman ito ng makita ang kanyang suot. Diretso na syang nagbihis ng pang alis na damit at inihanda na rin ang susuoting uniform sa loob ng bag para pagkatapos nilang mag almusal ay makaalis na kaagad sila. "Good job, wifey..." pagpuri nito sa suot nyang simpleng maong squarepants at white blouse. Ginantihan nya rin ng isang matamis na ngiti ang nobyo...NOBYO.... kay sarap sambitin. "Let's eat. Para makainom ka na din ng gamot para sa p*****kit ng katawan." mas lalo syang napangiti sa inasal nito. "What?" tanong nito ng mahuli syang panay ngiti. "Stop staring and smiling wife, kumain na tayo at baka maiwan pa tayo ng shuttle o kaya tuluyan tayong hindi makapasok kapag ipinagpatuloy mo yang pag ngiti ngiti mo riyan." may halong pagbabanta at pagpapaalala nito sa kanya habang malawak ang pagkakangiti. Ipinaghila sya nito ng upuan at ipinagsandok na rin ng sinangag na kanin, fried egg at danggit.. Hmmm Her favorite danggit. May isang mug na rin ng gatas sa tabi ng kanyang pinggan. Matapos syang asikasuhin ay ito naman ang nagsimulang magsandok ng para sa sarili matapos syang pagsilbihan... Hmmmm. Kinikilig ako. Wink wink.. Napaka swerte ko naman sa lalaking ito. Congratulations Celestine!! Pagsasaya ng kanyang sarili. Pagkatapos kumain ay agad na silang nag asikaso para pumasok sa trabaho. *** Mapanuring mga mata ang sumalubong sa kanya pagkapasok nya pa lamang ng opisina. Isang oras na lamang ay malapit ng matapos ang kanilang morning shift at kasalukuyang ipinaubaya nya na lang ang kanyang section sa isa sa kanilang reliever. "Hi Chef Althea. Ang aga mo ata?" Pagbati nya rito. Umupo na sya sa kanyang nakatalagang pwesto sa opisina upang masimulan nang i update ang kanilang daily report na magiging batayan nya sa paggawa ng weekly reports. Muli nya itong sinulyapan at nginitian ngunit hindi man lang nito sinuklian ang kanyang pagbati. Ibinaling lamang nito ang paningin sa pintong salamin na at itinutok ang atensyon sa labas na tila may hinahanap ang mata. Ipinagkibit balikat nya na lamang ang pag ignora nito sa kanya. Matapos isave ang file ay sya namang pagpasok ni Daven sa opisina na agad ikinatuwa ni Althea.. Biglang nagbago ang mood nito pagkakita sa binata. Feeler... "Hi Chef Daven.. Kumusta?" mahinhin nitong pagbati kay Daven sabay pulupot ng mga kamay sa braso ng binata. Mabilis ang pagbaling ng binata sa kanyang pwesto at nginitian sya ng tipid bago sinagot si Althea. Nag aalinlangan man ay hindi na nito nagawa pang umiwas sa dalaga dahil animoy tartier ito kung makalingkis. . "Oww, hi Chef Althea. I'm okey.... Ang aga mo yata ngayon?" may pagtataka rin nitong tanong sa babae bago muling pasimpleng sumulyap sa kinaroroonan nya. Hindi muna sya lumabas ng opisina at nagkunwaring may inaayos pa sa monitor para marinig at mabantayan na rin si Daven sa galamay ng kaaway... Napatawa sya bigla dahil sa naisip. Oppps. Natutop nya ang kanyang bibig dahil sa hindi napigilang tunog na lumabas rito. Napansin nya sa kanyang side vission ng mapatigil sa panghaharot si Althea at bumaling sa kanya. Hindi nya ipinahalatang ito ang tinatawanan nya dahil pinanatili nya ang tingin sa monitor. Sakto namang may nag pop up na isang clip na nakakatawa sa kanyang pc kaya't nakaligtas sya sa naniningkit at nanunuring mga mata ni Althea ng magsimula itong maglakad palapit sa kanya at pasimpleng sinulyapan ang kanyang tinitingnan. Nang makasiguradong hindi sya ang kanyang tinatawanan ay kunwaring dinampot nito ang bag at don may kinalkal. Habang busy si Althea sa pagpapanggap na may hinahanap sa sariling bag, pasimple naman nyang sinulyapan si Daven na nakasandal sa edge ng sariling table at nakahalukipkip habang ngingisi ngisi sa kanya na tila alam nito kung sino at ano talaga ang kanyang tinatawanan. Umiling naman sya dahil sa kalokohan ng binata. Matapos mapanood ng clip ay agad nya na rin pinatay ang pc. Kinuha ang sariling bag at lumabas na ng opisina. Ngunit bago nya tuluyang abutin ang doorknob ay pinandilatan nya muna ang binata upang bigyan ng babala at sininyasang hihintayin sya sa mess hall.. Pasimple lang itong sumaludo sabay sabing YES BOSS ng walang boses.. Ilang minuto na lang ay dumating na ang kanyang kapalitan sa duty kaya't pinili nya munang mag serve ng endorsement bago tuluyang mananghalian. Naabutan nya na sa mess hall si Daven na kausap si Alexis habang may mga pagkain ng nakalapag sa lamesa. "Here, Tine." pag abot sa kanya ng kanyang pagkain. "Thank you." Sinulyapan nya si Alexis na nakangisi. Kaya't pinagtaasan nya ito ng kilay. "Nako Tine, hindi mo ako madadala sa pagsusungit mong iyan. Manlibre naman kayo." Sabi nito sabay baling kay Daven. Hay.. Malamang may alam na ang mokong na ito. "Okey" pagsang ayon nya na sya namang ikinatuwa ni Alexis. "Yes!! Sabi mo yan huh? Uh Daven pano ba yan?" masayang sabi nito na may nalalaman pang pagtapik tapik sa balikat ni Daven. Natawa na lamang ito sabay tango. "Anong meron?" Kasalukuyan na silang nasa apartment nito ng tanungin nya si Daven. Busy kasi ito sa pagluluto sa kusina. Napakarami nitong inihahandang pagkain, from salad to main dish. Sa ngayon ay nag iihaw na lang ito ng pork barbeque ng puntahan nyang muli. Nag alok pa sya ng tulong ngunit tinanggihan lang sya nito at pinayuhang maghintay na lamang sa living room habang busy pa sya sa kusina. Habang pauwi kanina'y inaya sya nitong dumaan sa isang grocery store na kanilang nadaanan. Namili ito ng mga seafoods, liempo, mga beer in can at ingredients sa paggawa ng garden salad at kung ano ano pang pwedeng mailutong finger foods. "Ako na rito." Muli nyang pagpresenta sa pag aayos ng komedor. Marami itong inilabas na china at glass ware kaya't naisip nyang siguro ay may okasyon at may inaasahan itong mga bisita. Hinayaan na lamang sya ni Daven sa pag aayos at pag seset ng table. It's already 6 o'clock in the evening at nakapaglinis na si Daven sa kusina pati na rin ng sarili at kasalukuyan na silang nakaupong magkaakbay sa may living room ng may nag door bell na sa labas ng unit nito. "They're here." pagbibigay alam nito bago tuluyang tunguhin ang pinto. "Woah!! Congrats bro!" "Binata ka na pre!" "Don't forget.. Ako ang best man mo!" Kantyawan ng mga bisitang dumating. Nakilala ko sila isa isa ng magsilapitan na sila sa living room. Daven's cousins and friends. Marami sila at kasama rin ang mga magulang ni Daven na malawak ang pagkakangiti sa kanya ng makita sya. "Iha!" pagbati ng mama nito sabay halik sa kanyang pisngi. Nginitian nya naman ito at nagmano sa papa ng binata. "Tita!" "Mommy." pagtatama nito sa kanya. Napakamaot naman sya sa kanyang kilay dahil sa sinabi ng matanda. "U--uhm. Mommy, a-ano pong ginagawa nyo dito?" nagtataka nyang tanong. But the old woman giggled only to her. "Ma, pa. Salamat at dumating kayo kahit medyo biglaan." malawak na ngiting salubong nito sa mga magulang. "No probs, anak... Basta ikaw." pag asure ng mama nito. maya maya ay sina Alexis at ibang kasamahan naman sa trabaho ang nagsidatingan. Mas lalong nagkaingay. Puno ng pagbati at pagkantyaw ang kanilang inabot sa hindi nya malamang dahilan. "Teka Daven.. Ano bang meron?" Muli nyang tanong rito matapos istimahin ang mga bisita. "Later you will know." sagot nito bago sya kinintalan ng magaan na halik sa labi. "Uuuuyyy! Excited!!" "Hoy! mamaya na yan. Nandito pa kami uhh!" narinig naman nyang kantyaw ni Alexis na kanya lamang inirapan. Hindi pa nagtatagal ay may muling nagdoorbell. Hindi nya alam kung bakit sya biglang kinabahan. Sumulyap muna sa kanya ang binata bago tuluyang pagbuksan ang panibagong bisita. Nanlalaki ang kanyang mga mata ng mapagsino ang bagong dating...At... A-ang... Ang sheteng Daven, n-nagmano pa sa mga i-ito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD