Knock! Knock! Knock!
Sunod sunod na katok sa pinto ang nagpagising sa kanya. Pasado alas singko na nang hapon ng tingnan nya ang kanyang orasan. Isang oras na pala syang nakatulog. Nakalimutan nyang nagbilin nga pala si Daven na babalikan sya nito. Nakatulog kasi kaagad sya matapos makapagbihis. Gumaan at bumuti na rin ang kanyang pakiramdam. Pahinga lang pala ang kailangan nya. Agad syang nagmadali at inayos ang sarili dahil sa sunod sunod na katok.
“Wifey! Gising na.” pagtawag ni Daven kasunod ng isa pang katok. Muli nyang tiningnan ang sarili sa salamin para I check bago tuluyang pagbuksan si Daven. Nabitin pa sa ere ang kamay nito ng akma pa sana itong kakatok. Matamis na ngiti ang agad nyang isinalubong rito.
“Let’s eat. Nakapagluto na ako. Saka ka na lang ulit bumalik sa pagtulog mo.” Saad nito sabay gagap sa kanyang kamay at hinila na sya kaagad nito patungong dining table.. Inalalayan sya nito sa pag upo.
“hmmm. Ang bango. Bigla akong nagutom.” Nananakam nyang saad pagkalanghap sa sinigang na hipon na umuusok usok pa.
“Masarap talaga yan, dahil masarap rin ang nagluto.” Biro pa nito sabay kindat. Ipinagsandok muna sya nito bago pagsilbihan ang sarili.
“hmmmp. Talaga lang huh? Siguraduhin mong masarap ito.” Panunudyo niya rito. Sinabayan pa ang trip nito.
“Yep! Masarap ito promise…Pero mas masarap pa rin ako…. wanna taste me too, huh?” pang aakit nito sa kanya habang kagat labing pinasapasadaan ng tingin ang kanyang mga labi bago muling umangat ang tingin nito sa kanya. Lakas loob nya itong sinalubong ..
“Hindi mo ako madadaan sa ganyan Daven.” Kunwa’y pagsusungit nya rito ngunit kalaunay napangiti na rin. Ang cute kasi ng binata. Napa hot nito sa pagkakagat labi. Hmmp! Baka hindi ako makapagpigil ehhh, ako ang kumagat nyan!
“Teka, dito mo ba niluto ang mga ito?” pag iiba nya sa usapan ng mapansin nasa hugasan ang kanyang mga utensils.
“A-ahh. Oo ehh, naalala ko wala na nga pala akong stocks. Hehe, sorry pinakialaman ko ang kusina mo.” Kamot batok pa nitong paliwanag. Mas lalo naman tuloy syang napangiti ng matamis. Ang cute at ang hot na nga, mas lalo pa pala kapag nahihiya ito. Ayiiiie. Kinikilig ako.Tumikhim muna sya para pakalmahin ang sarili.
“it’s okey. Tara kain na tayo.” Para matikman ko na rin ang dessert mamaya… IKAW! Kyahhh. Yari! Muntik na nyang maidugtong. Hay! Umatake na naman ang maharot nyang pag iisip. Akala ko ba conservative ka huh, Celestine? Bakit nagmumukha ka na jang p*****t? saway pa kanyang isip. Nako nako! Tigil tigilan mo iyan. Baka masaktan ka lang. Dagdag pa ng kontrabida nyang isip.
Sya na ang nagprisintang maghugas ng kanilang pinagkainan. Nagpupumilit pa si Daven na sya na rin lang ang maghuhugas ng kanilang pinagkainan pero she insisted. Nakakahiya naman kasi, ito na nga ang nag abalang magluto ng dinner nila, kahit pa ang kusina at mga sangkap nya ang ginamit nito, tinablan pa rin sya ng hiya. Malapit na syang matapos at akma ng itatabi sa dish rack ang mga kagamitan ng biglang may pumulupot na braso sa kanyang bewang. Kamuntikan na syang mapasigaw, hindi dahil sa gulat kundi dahil sa kilig… Ay ma***di. Hahaha. Ashumera lang girl. Malamang, alangan naman magulat pa sya ehh ugali naman na talaga ni Daven ang magyakap lalo na kapag nakapag sosolo sila. Ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat at pasimpleng inamoy amoy ang kanyang leeg. Nagtaasan naman ang kanyang balahibo dahil sa kilabot na hatid ng mainit nitong hininga.
“T-teka Daven.... can’t you see, may ginagawa pa ako.” Nakikiliti ako. Nais nya sanang idagdag.
“hmmm.I'm just claiming my desserts.” ungol nito at hindi sya pinansin bagkos ipinagpatuloy pa nito ang pagdampi ng mabababaw na halik sa kanyang leeg patungo sa likod ng kanyang tenga. Gooossh! Naninindig na ang balahibo mo.
“T-teka nga muna Daven. Patapusin mo muna ako.” Pasimple nyang kinalas ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya. Kumalas naman ito at nangingiti pa habang pinagmamasdan syang namumula. Inirapan nya na lamang ito at dali dali ng itinabi ang pinakahuling pinggan.
Saktong pagkaharap niya sa gawi nito ay agad siya nitong sinalubong ng isang mapusok na halik na agad naman nyang tinugon. Umakyat ang kanyang mga braso paikot sa batok nito upang kumuha ng lakas dahil nanlalambot ang kanyang mga tuhod dahil sa matinding sensasyong ipinadadama sa kanya ng binata.
Mahigpit ang pagkakayakap ni Daven sa kanya at halos di makadaanan pati ang hangin sa sobrang lapit nila sa isa’t isa. Napakalas ng t***k ng puso nito.. Ramdam nya. At napakasarap noon sa pakiramdam na ganito pala kalakas ang epekto nya sa binata. Nakakataas ng self-confidence. At…. Nakakaganda. Napabungisngis sya sa kanyang isipan.
“hmmm… kelan mo ba ako sasagutin wifey?” bulong nito na nagmistulang halinghing nang tumapat sa kanyang tenga ang mga labi nito. Napasinghap sya at agad nyang ginagap ang magkabilang pisngi nito upang salubungin ang namumungay nitong mga mata.. Natawa naman sya ng walang tunog dahil sa itsura nito.
“My wife’s laughing at me, hmmm” Pagprotesta nito “I’m serious, wifey.” dagdag pa nito habang hindi pa rin inilalayo ang mukha sa kanya na ngayon ay lukot na lukot na.
“Pano naman kita sasagutin? Aber, hindi ka naman nanliligaw.” Sagot nya sabay tapik sa pisngi nito. Pumadyak padyak pa ito na parang bata ng itinulak nya ito ng bahagya. Mas lalo syang natawa dahil sa nanghahaba nitong nguso.
“Halika na nga.” Aya nya at pinagsalikop ang kanilang mga palad bago nagsimulang hilahin ito patungo sa living room. Sumunod naman ito ngunit hindi pa rin nawawala ang pagkakasimangot nito kahit ilang minuto na silang magkatabing nakaupo at ngayon ay abala na syang mag scan ng channel at maghanap ng pwedeng mapanood na pelikula.
“Hey.” Muli nya itong sinulyapan ng walang makuhang tugon. She snaps her fingers in front of him. Wala pa rin. She even pinched his nose. Deadma lang. hmmmm. Daig pa ang bata kung tupakin. Last try. Sinundot nya ang tagiliran nito na syang nagpa kislot rito. Sumulyap naman ito sa kanya in fairness. Pero…… Inirapan lang sya… What the heck???
“Sa lahat ng nanunuyo sa babae, ikaw yung pinaka demanding, at pinaka maarte.” Taas kilay na nyang sita rito. Ngunit hindi pa rin ito nagpatinag sa kanyang pasaring. Diretso lang ang tingin nito sa monitor na nasa harapan. Hanggang sa may naisip syang…. TING!! Light bulb!!
Nagkibit balikat muna sya para kunwari wala syang pakialam…. Bago tumayo at tumalikod rito.. nagsisimula na syang maglakad patungo sa sariling kwarto ng magsalita sya…
“pakilock na lang ng pinto paglabas mo.” Masungit nyang saad rito. Tila natatarantang kilos ang kanyang narinig sa likuran na syang nakapagpangisi sa kanya ngunit hindi nya ipinahalata. Ipinagpatuloy nya lamang ang kanyang paglalakad ngunit bago pa maabot ang doorknob ay isang magaspag na palad ang mabilis na pumigil sa kanyang braso..
“U-uhhh. W-wait.” Natatarantang pigil ni Daven. Hinarap nya ito at pinagtaasan ng kilay. Gusto na nyang matawa ngunit pinigilan nya para hindi mahalata ni Daven na pinagtitripan nya lamang ito. Ang totoo, gustong gusto na nyang gawing opisyal ang kung ano mang namamagitan sa kanilang dalawa… kumukuha lang sya ng perfect timing, at sa tingin nya ay ito na yon..This is it..
“What? I thought wala ka ng balak na pansinin ako.? You may go.” Sabay talikod. Dismayado naman sya ng binitawan nito ang kanyang braso at mabilis na naglakad patungo sa pintuan.
“J-just lock the door.” Pahabol nya pa rito. Narinig nya pa ang pag click ng lock ng pinto bago tuluyang makapasok sa kwarto. Akma na nyang isasara ang pinto ng may humarang na kamay sa edge nito. Nanlalaki ang kanyang mga mata ng si Daven ang makitang nakatayo sa b****a.
“A-ano pang ginagawa mo rito?”
Ngumisi lamang si Daven. “Susuyuin ang wife ko?” painosenteng balik tanong nito at sinabayan pa ng pagtaas baba ng mga kilay. Sinamantala naman nito ang kanyang pagkabigla at agad na nakapasok sa kanyang kwarto. Ito na rin ang naglock bago sya muling kinulong sa isang mas mahigpit na yakap. Naalala nyang hindi nya nga pala narinig na binuksan nito ang pinto. Tanging pag click lang ng lock ang narinig nya kanina.
“Hindi ka na talaga mabiro, wifey.” Natatawa nitong saad at malalim na bumunghong hininga bago niluwagan ang pagkakayakap ngunit hindi tuluyang lumayo. Pinakatitigan sya nito bago muling nagsalita.
“I love you so much, Tine.” Seryoso ito. “And I really do.”
katahimikan....
Matagal silang nagkatitigan na tila binabasa ang isa't isa bago sya napangiti dahil sa sinseridad na mababanaag sa mga mata nito. Seryoso ang mukha ng itinaas nya ang kanang kamay at hinaplos haplos ang kaliwang pisngi ng binata bago muling ngumiti ng matamis at nagsalita.
“Yes.” Mahina nyang sabi. Naguguluhan sya nitong pinagmasdan.
“I said YES!” ulit niya. Biglang lumiwanag ang ekspresyon nito kasunod ng sari saring emosyong dumaan sa mga mata nito ng maunawaan ang kanyang ibig sabihin. Nanubig naman ang mga mata nito at agad na tumungila upang pigilin ang pagbagsak ng nagbabadyang luha dahil sa sobrang saya. Napangiti na rin sya ng pagkatamis tamis dahil sa nakitang reaksyon ni Daven. kinarga sya nito at inikot ikot sa ere habang sumisigaw ng yes! Totoo nga, seryoso ito sa nararamdaman sa kanya. At handa na syang tugunin at suklian ang pag ibig nito. Yes!! It’s a big Yes! Mahal na din nya si Daven. And she is now willing to take another risk. It’s almost how many months since here last heart ache. She doesn’t care anyway. Dahil sa mga panahong iyon ay may Daven na laging nandyan para I divert ang kanyang atensyon. And she’s thankful dahil doon…
“I love you so much Tine.. hindi man ako perpekto, pero sinisigurado ko sayong gagawin ko ang lahat, para maging masaya ka in everyday of your life.” He said before claiming her lips for a sweetest kiss she ever had..
This is it..