I waited.
Yah..
Patiently..
And confusingly..
You heard it right. I waited him to speak up that time…
BUT...sadly, i failed! Totally!
Anong nangyari?? Bakit biglang may nag iba? May nagawa ba syang mali? May nasabi? Ano?? Yan ang palaging laman ng kanyang isipan matapos ang nangyari sa kanila five years ago. Mga katanungang noon at hanggang sa ngayon ay wala syang nakuha at makuhang kasagutan. Mga katanungang sa tuwing napag iisa na sya ay paulit ulit na bumabalik sa kanyang isipan.
Kaya’t hanggang sa maaari ay mas pinipili niyang magpakapagod at magpaka busy sa kanyang trabaho sa buong maghapon upang sa tuwing mag isa na lamang sya sa kanyang condo unit ay matutulog na lamang sya at hindi na mabigyan pa ng pagkakataon ang kanyang isipan na isipin na naman ang nakaraan.
Ayaw na niya! Napapagod na sya sa sariling utak. Palagi na lang kasi! Hindi ba ito napapagod na ipaalaala sa kanya ng ipaalaala ang mga nakaraan na. Tama na! Wala ng dahilan para isipin pa iyon ng isipin. Baka hindi magtagal ay sa mental na ang bagsak nya.
Malalim muna syang bumuntong hininga at mariing pumikit upang palisin ang nagsisimula na namang umukilkil sa kanyang isipan at ang pamimigat ng kalooban.
Ilang sandali lang ay naikalma na nya ang sarili. Sumulyap sya sa kanyang pambisig na relo at ng mapag alamang lunch time na ay agad nyang isinukbit ang sariling bag at lumabas ng sariling opisina upang muling habilinan ang sariling secretarya bago tuluyang umalis ng building.. Nag half day na lang sya ngayon tutal weekends na bukas. Ipinagkatiwala na nya sa sariling sekretarya ang kanyang maiiwang trabaho. Actually, mga minor works na lang ang gagawin nito dahil talagang tinapos nya na ang lahat ng paper works at mga kailangang pirmahang dokumentong alam nyang kakailanganin sa susunod na linggo para hindi magkaroon ng problema habang wala sya. Kung magkaaberya man ay pwedeng pwede sya nitong tawagan. She can probably solve it via online, she knows herself though.
Sa wakas, maipapahinga nya nang muli ang kanyang katawan after a very long and tiring days.. sa tingin nya ay kailangan nya na talaga ng sariwang hanging malalanghap. Finally!!! Her long waits is over!! At ito na nga iyon. Wala na syang pasok bukas dahil nag file sya ng pitong araw na vacation leave. Maiksing bakasyon nga lang ang pwede dahil hindi naman pwedeng mawala sya ng matagal. Siguradong matatambakan sya ng trabaho. Sya rin ang mahihirapang maghabol. Napagpasyahan nyang dumiretso na sa mall upang mamili ng mga ipapasalubong para kay Den-den at para makapag grocery na rin bilang pasalubong sa mga daratnan nya sa kanyang pag uwi..Nasa backset na rin naman na ang kanyang maleta na naglalaman ng kanyang mga personal na gamit, kaya’t hindi na nya kailangan pang umuwi ng condo para kuhanin ang mga ito.
Ang batang iyon. Den-den. Nangingiti sya habang lulan ng elevator dahil sa excitement na muling masilayan ang matatamis nitong mga ngiti..
Siguradong matutuwa ang bata kapag nakita sya nito. Medyo matagal na rin kasi ang huli nilang pagkikita. Excited na siya!! Miss na miss na nya talaga ito. Nasasabik na rin sya sa maiinit at mahihigpit nitong mga yakap. Hay….Sa lahat ng mga nangyari sa kanyang buhay, ito lang ang bukod tanging nangyari sa kanya na hinding hindi nya pagsisisihan kahit kailanman. Kahit ano pa man ang isipin at sabihin ng iba, hindi magbabago ang pagmamahal nya rito. Ni mawala man. At hinding hindi nya hahayaang mawala ito sa kanya! Never in her wildest dream.
Kung maaari nga lang sana ay kasama nya itong palagi. Pero hindi naman pwede. Mas makabubuti rito na nasa isang lugar na presko ang hangin at walang polusyon. At saka, mas magagabayan ito ng mga lolo’t lola nya kung naroroon ito. Tutal may mga edad na rin ang mga ito, kailangan ng mapaglilibangan. Kaya’t mas ipinasya niyang ipagkatiwala sa mga ito ang bata.
Mahaba habang byahe ang kaniyang babalikatin kaya’t minabuti nya talagang mag halfday. Apat na oras rin iyon, kaya’t tantya nyang bago man lang sya makarating sa probinsya ay gabi na. Walang problema dahil sanay na rin naman na sya.
Halos dalawang oras ang kanyang itinagal sa pamimili dahil lubos syang naaliw sa mga bagong labas na damit pambata. Bumili pa sya ng laruang matagal ng inuungot sa kanya ng anak. A doll house. Nagtake out na rin sya ng pwedeng makain at mainom at maingat na inilapag sa passenger seat. Mas mabuti ng pasigurado para kapag nagutom sya ay hindi na nya kailangang dumaan pa sa mga fastfood chain. Malawak ang kanyang pagkakangiti habang inilalagay sa compartment ang mga pinamili. Matapos maisaayos ay muli nyang chineck ang oras sa kanyang pambisig na relo. It’s already two o’clock in the afternoon. By six or seven pm, nasa probinsya na sya ayon sa kanyang tantya. Wag lng syang maiipit sa trapiko at talagang baka mas gabihin siya.
Habang daan ay masigla pa nyang sinasabayan ang awiting pinakikinggan. Naroon pa’t may pahampas hampas pa sya sa manibelang nalalaman. Dumaan ang mga oras at isang beses lang syang dumaan at bumaba ng sasakyan sa isang gas station to secure her gas and to attend her natures call na rin.
Hindi nya alam kung minamalas ba sya o sadyang pinaglalaruan sya ng pagkakataon dahil sa dinami rami ng gas station sa buong pilipinas, hindi nya inaakala na dito nya pa makikita ang isang taong matagal na nyang kinalimutan at pilit na iniiwasan. Nangunot ang noo nito pagkalabas sa passenger set ng sasakyan nang makita siya nito habang sya naman ay nanlaki ang mga mata dahil sa pagkabigla. Tumalikod ito sa kanya at tipong may iniaabot sa likuran na nasa loob pa ng sasakyan. Hindi nagtagal ay may karga na itong isang batang sa tingin nya ay nasa apat na taong gulang lang. Napako sya sa kanyang kinatatayuan at hindi na nagawang ituloy pa ang akmang pagpasok sana sa sariling sasakyan. Nanlikot ang kanyang mga mata ng muling magtama ang kanilang paningin pagkaharap nitong muli sa kanyang direksyon.
Nang matauhan at makabawi, tuluyan na syang pumasok ng sasakyan dahil sa pagkailang na nararamdaman. Ang lakas lakas ng t***k ng kanyang puso.. Hindi nya kinaya ang tensyong namuo sa pagitan nilang dalawa sa loob lamang ng ilang saglit..
O tensyon LANG na SIYA LANG ang nakakaramdam?? Dahil base sa emosyong dumaan sa mga mata nito pagkakita sa kanya ay masasabi nyang nagulat rin ito. Ngunit agad ring napalitan ng isang malamig at madilim na awra matapos umiwas at kumurap ng ilang saglit bago muling salubungin ang kanyang tingin.
Saglit lang ang kanilang naging titigan. As in mabilisan lang pero nakita nya ang iba’t ibang emosyong mabilis na dumaan sa mga mata nito. Pagkabigla,saya na naging lungkot, pagsisisi, takot? Sari sari. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pakalitong dumaan sa mga mata nito.. At ang pinakahuli… Galit.. She’s sure. Galit ito dahil sa paggalaw ng mga panga nito. Galit ito? Para saan? At sya pa talaga ang may ganang magalit. Pagkatapos ng kaniyang ginawa? Ng kanilang ginawa?
Sinundan lamang ng taong iyon ang kanyang bawat kilos. Habang abala sa pag start ng car engine ay saka nya narinig ang pagbukas sa may driver’s set ng sasakyang nilabasan ng taong sa kasalukuyan ay may karga ng bata.
Hindi na nya nilingon ang mga ito at sinimulan ng paandarin ang sasakyan. Habang ginagawa iyon ay ramdam nya pa rin ang mga malalamig nitong tingin sa kanya.
“Let’s go.” Tangi nyang narinig na saad noong bumaba sa may driver’s side. Kumunot ang kanyang noo at unti unting nanindig ang balahibo sa kanyang batok dahil sa boses na narinig. Muling syang sumulyap sa mga taong nakaharap kani kanina lang ngunit hindi na nya makita ang mga ito dahil naharangan na ng mga fuel dispenser ang mga ito ng magsimulang maglakad at sya naman ay naiabante na ang sasakyan.
Bakit ganoon? Mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.
Pinakalma nyang muli ang sarili bago tuluyang lisanin ang lugar na iyon. Bakit ngayon pa? Kung kailang unti unti na syang nakaka cope up at natatanggap ang mga nangyari sa nakaraan. Pero bakit ganoon nga? Nasasaktan pa rin sya? Hindi ito maaari. Hindi!!! Hinding hindi. Hindi nya namalayang may isang butil na pala ng luhang pumatak sa kanyang pisngi na agad nya namang pinalis.