(PAUL) Busy ang lahat sa paghahanda ng mga kailangan para sa pagdinig ng kaso ni Arjay. Naihanda na ng aming team ang mga ebidensya. Halos lahat iyon ay siya ang itinuturo. Mabuti na lang bukas pa ang hearing at makukuha ko na mamaya ang result ng dugo na nakita ko sa hagdan, kung mag ma-match ba iyong sa damit ng girlfriend ni Arjay. Napaangat ako ng tingin sa taong naupo sa harap ng table ko. “Kamusta? may proweba na ba na hindi si Arjay?” tanong nito. I look at him on the face, parang may kakaiba sa kanyan ngayon. “Wala pa nga, lahat siya ang itinuruo. Dati si Cen na wala naman kasalanan at biktima lang, ngayon si Arjay naman” sabi ko. Nanatili pa din ang tingin ko sa kanya bago bumaba sa mga kamay nitong nilalaro ang isang candy ng mentos. I was wondering Francis, why? Bakit

