4: LISTEN TO ME

2116 Words
(Paul)   It’s her. Cenny Rose Gamboa, the suspect on killing her own family. Dapat ay dinala ko na siya sa presinto, pero hindi ko alam kung anong espirito ang sumapi sa akin at dinala ko siya sa bahay ko. This is not right, maaari akong matanggalan ng lisensya at masibak sa trabaho, magkakaroon din ako ng kaso pero hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. May something na nagsasabi sa akin na kailangan ko muna itong makausap bago gumawa ng hakbang. Ang napakaraming tanong sa aking isip ay nadagdagan pa. Anong nangyari sa kanya? Bakit naroon siya at nakahubo? Kitang-kita ko ang takot sa kanya ng humingi ito ng tulong sa akin. Awang-awa ako sa kanya, ang katawan niyang hinang-hina, mga pasang nangingitim na. Konting-konti na lang bibigay na siya. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong nahanap ko na siya dahil sa kaso o ano. Napasabunot ako sa sariling buhok habang tinitignan ko itong mahimbing na natutulog sa kama ko. Sinuotan ko lang ito ng t-shirt ko. Mamaya ko na lang ito gagamutin kapag nagising na ito. Tinignan ko ang wall clock sa kwarto ko at nakitang alas tres na ng madaling araw. Kumuha ako ng unan at lumabas para sa salas ng lang matulog. Isa lang kasi ang kwarto ko dahil mag-isa lang naman ako, at maliit lang naman din ang bahay ko. Kailangan naming mag-usap bukas.   (CEN)   Napaungol ako ng maramdaman ang sakit ng buong katawan ko. Ang hapdi ng tiyan ko, at nahihilo ako. Nabalot ng takot ang buong katawan ko ng maalala ang mga nangyari. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kinabahan ako, hindi ko alam kung nasaan ako. Nang maalala ang lalaking tumulong sa aking ay napaluha na naman ako. I don’t know him but my heart knows I’m safe.   Marumi pa rin ako, suot ko pa din ang panty ko at ang t-shirt na sa tingin ko’y sa lalaking nagligtas sa akin. Kailangan kong magpasalamat sa lalaking iyon, dahil kung hindi niya ako nakita hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. Manghihiram na din ako cellphone para matawagan ko na sila Inay, siguradong nagaalala na ang mga iyon sa akin.           Nagulat ako ng bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking nagligtas sa akin at isa pang lalaki na may hawak na bag. “Gising ka na pala, naghanda ako ng pananghalian para makakain ka na. Maligo ka muna, bumili ako ng ilang damit para sayo” sabi nito saka ituro ang banyo na nasa may kaliwa. “M-maraming salamat” sabi ko ng abutin ko ang paper bag na dala nito. Nang lumabas ang dalawa ay agad akong nagtungo sa banyo, kahit hinang-hina pa rin ay kinaya ko. Napaiyak ako ng makita ang sarili ko sa salamin dahil sa dami ng pasa ko. Halata pa rin sa mukha ko ang ilang pasa at sariwa pa ang sugat sa putok kong labi. Nasa paper bag na ibinigay ng lalaki ang lahat ng kailangan ko. Ilang t-shirts, short at underwear ang naroon. Mayroon ding toothbrush at body wash. Nang matapos akong mag-ayos ng sarili ay dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Narinig ko ang dalawang boses na nagtatalo mula sa kusina. “Paul!! Maari kang makulong dahil sa ginagawa mo!! Nahihibang ka na ba?? Ha!??” mariing sabi ng lalaking may dalang bag kanina. “Hindi ko na alam, bahala na. Ang dami kong tanong na gusto kong masagot at maaaring masagot nya ang mga ito” sagot naman ng lalaking nagligtas sa akin na ang pangalan ay Paul. “Isuko mo na lang siya sa mga pulis Paul! Masisira ang buhay mo kapag nagkataon dahil sa babaeng iyon!!” Napakunot ang noo ko. Ako ba ang pinag-uusapan nila? Kung ako, bakit ako dadalhin sa pulis? Siguro inereport na ako nila Inay. Oo, dapat nga ay lumapit ako sa mga pulis, kailangan kong isumbong ang mga dumakip sa akin. “Tulungan mo na lang ako, promise hindi ka madadamay dito” sabi ni Paul. Magsasalita pa sana ang kausap nito pero napatigil ito ng makita ako. “Halika kumain ka muna, saka gagamutin ni Gerald ang mga sugat mo” sabi ni Paul sa akin. Marahan ang aking mga galaw dahil masakit ang aking buong katawan. Tahimik akong kumain habang tinitignan ng dalawa. Naiilang ako sa mga tingin nilang parang nang-uusig. Matapos kumain ay bumalik kami sa kwarto. Pinainom ako ng pain killer at nilagyan ng swero dahil sa bagsak na ang aking katawan. Sinuri ako ni Gerald na isa palang doctor. Tinanong ako nito tungkol sa aking mga nararamdaman at nanginig ang aking buong katawan dahil sa takot ng marinig ang kanyang huling tanong. “Ginalaw ka ba nila?” tanong nito. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko, muntik na akong ma-rape!! Kahit kailan ay hindi pa ako nakaramdam ng ganoong takot sa buong buhay ko at ayaw ko nang maranasan pa ulit iyon. Umiling ako bilang sagot dito. Tumayo ito at inumpisahan ng ligpitin ang kanyang mga gamit. “Magpahinga ka, saka kumain ka ng masusustansyang pagkain para mabilis makabawi ang katawan mo. Inumin mo rin ang pain killer na inereseta ko sayo. Aalis na ako” sabi nito saka humarap ay Paul. “Tapos na trabaho ko dito, tandaan mo, labas ako dito” sabi nito saka umalis.   Naupo si Paul sa gilid ng kama saka bumuntong hininga. “Cenny Rose Gamboa. Ako si Detective Paul Cunanan” pakilala nito. “P-paano mo ako n-nakilala?” tanong ko. Hindi agad ito nakasagot at muling napabuntong hininga saka inihilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha. “Maraming salamat nga pala sa pagtulong sa akin. P-pwede bang makahirap ng cellphone, tatawag lang ako sa amin baka kasi hinahanap na ako nila Inay. Sigurado nag-aalala na ang mga iyon sa akin.” Sabi ko pero ni isang salita wala man lang lumabas sa kanyang bibig. “Cenny Rose makinig kanag mabuti sa lahat ng sasabihin ko” seryosong sabi nito. Dinunggol ng takot at kaba ang ang puso ko sa hindi ko malamang kadahilanan. “Pinaghahahanap ka ngayon ng mga pulis, ikaw ang pangunahing suspek sa karumaldumal na pagkamatay ng buong pamilya mo.” Seryosong sabi nito. Dahan-dahan akong umiling. Hindi iyon totoo, uuwi na ako, hinihintay na ako ng pamilya ko. Agad akong tumayo sa kama at akmang aalis na pero pinigilan ako ni Paul. “Hindi ka pwedeng umalis!! Wanted ka sa buong Pilipinas!” sabi nito saka ako pilit na pinapaupo sa kama. “Hindi totoo ang mga sinasabi mo!! Uuwi na ako!! Nag-aaalala na sa akin ang Inay ko!!” sabi ko at patuloy na nagpupumiglas. Wala na akong pakialam kung sumakit na ang kamay kong may turok. Ang luha ko’y tuloy-tuloy na bumubuhos. “Listen to me!!! Hindi pa pweding umalis kung ayaw mong makulong!” marring sabi nito. Panay lang ang iling ko. Paanong ako ang pumatay sa pamilya ko? Nababaliw na ba sila? Mahal na mahal ko ang pamilya ko at kahit kailan ay hindi ko sila kayang saktan. Patay na. Patay na daw ang pamilya ko? hindi ako naniniwala. Tinignan ko si Detective baka kasi nag jo-joke lang siya pero gumuho ang mundo ko ng dahan-dahan itong tumango bago nagyuko ng ulo. Kinabig ako nito sa isang yakap. Wala akong nagawa kundi ang humagulhol sa kanyang dibdib. This is just a dream. Please wake me up.   (PAUL)   Niyakap ko ito habang patuloy itong umiiyak. I can feel her pain. I know she didn’t do it. I can see it in her face. Ang kaisipang nais na nitong tumawag dahil baka nag-aalala na ang kanyang pamilya ay isang patunay na wala itong alam sa mga nangyari. I just need to know kung anong nagyari sa kanya. Hinagod ko ang likod nito. Alam kong mahirap mawalan ng mahal sa buhay dahil naranasan ko na ito ng mawala ang Ina ko ano pa kaya kung buong pamilya mo na. “Kung aalis ka at magpapakita sa mga tao, makukulong ka sigurado. Lalo nating hindi mapapanagot ang tunay na may sala. Kaya please makinig ka sa akin” sabi ko. Hinayaan ko itong umiyak haggang sa makatulog ito. I don’t know pero ngayon lang ako naging kumportable sa isang babae, and take note, ngayon lang kami nagkakilala.                                                         Nang maiayos ko na ito sa kama ay inilabas ko ang aking phone para sana tawagan ang partner kong si Detective Ross pero agad ko ding sinita ang sarili ko. Narealized kong hindi na dapat ako mandamay ng ibang tao. If things go south, ako lang dapat ang lulubog, ako lang ang madadawit, hindi ko na kailangan pang manghila ng iba.   Nang ipinatawag ako sa presinto ay nag-iwan lang ako ng note para kay Cenny. I just hope na sumunod na lang muna ito sa akin. Nagluto rin ako ng pag-kain nito na maaari niyang initin kapag nagising na siya. I look at her again before I went out of my room.   Palapit pa lang ako sa presinto ay kita ko na ang mga taong nagproprotesta. Nakita ko rin kanina sa TV na may nagproprotesta din sa harap ng Malacañang. Ang nais ng mga ito ay ibalik na ang death penalty. They are all convinced na si Cenny ang pumatay sa kanyang sariling pamiya. They want her to pay pero hindi naman ako papayag ngayong malakas ang kutob kong hindi naman siya ang tunay na may sala. Kailangan naming mag-ingat, lalo’t mainit ang mata ng mga tao sa kanya dahil na rin sa patong na pabuya sa kanyang ulo. Nang makarating ako sa presinto ay ay agad akong nagtungo sa conference room. May meeting kaming myembro na humahawak sa kaso ng Gamboa Family. “Detective Paul, please sit down para makapag-umpisa na tayo” sabi ni Police Senior Inspector Hugo Lambao, katabi nito si Police Chief Inspector Romeo Calica. Agad naman akong naupo sa tabi ni Detective Ross at Francis. Si Detective Arjay ay nakatayo sa harap at nakatingin sa laptop nito na naka-connect sa projector.  “Update” maikling sabi ni aming PCI Calica. “Wala pa din pong lead kung nasaan ang ating suspek pero kanina po ay nakita na ang cellphone nito malapit sa bahay noong katrabaho niya na nagbirthday. On going na po ang pag trace sa mga recent calls ang messages nito” Kumabog ng malakas ang dibdib ko kaya ilang beses akong huminga ng malalalim upang makalma ang sarili ko. s**t!! This is so hard. Nakita ko kung paano kumuyom ang kamao ni PCI Calica. Napakunot din ang noo ko ng magtingin sila sila ni PSI Lambao na parang may ipinaparating sa isa’t-isa. Ibubulong ko sana ang aking napansin kay Detective Ross ngunti naabutan ko itong nakangisi habang pinaglalaruana ng kanyang ballpen na hawak kaya hindi ko na lang itinuloy. Mukhang babae na naman iniisip nito. Nagpatuloy si Arjay, ipinakita nito ang mga nakalap naming ebidensya. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil wala pa sa mga hawak naming ebidensya ang makapagtuturo kung nasaan si Cenny at sisiguraduhin kong hindi muna nila makikita ito, not until malaman ko kung sino talaga ang pumaslang sa mga Gamboa.   “Ito ang shoe print na nakuha natin sa bahay ng mga biktima, napagalaman na isa po ito sa mga collection ng isang sikat na shoe brand.” sabi ni Arjay. “Kaya hindi pa natin talaga pweding sabihin na si Cenny Rose nga ang pumatay sa kanyang pamilya, dahil sa shoeprint na iyan” sabi ko. Nakitang kong nalukot ang mga mukha ng dalawang Inspector. Looks like they don’t want what I just said, pero iyon ang totoo. I really feel like there is something wrong. Ibinalik ko ang tingin ko kay Arjay na nagmove na sa susunod na clue. Iyon yung balot ng Max candy na dilaw. “Sa isang ito, ay maaaring sa pamilya ito, na isa as kanila ang may-ari. Hindi natin alam dahil wala naman fingerprint na naiwan” Nagpatuloy ito sa sumunod na slide. “Sa mga fingerprints naman, kay Cenny lang talaga ang nakita sa kutsilyong ginamit upang mapatay ang mag-anak” Nagpatuloy ito hanggang sa matapos at maisa-isa namin lahat ng impormasyong mayroon kami. I tried so hard, para maitago ang kaba ko kapag pinag-uusapan namin kung saan maaaring nagtatago ang suspek. Hindi nila pwedeng malaman na nasa poder ko ito, patay kaming dalawa kapag nagkataon. “So wala talaga, she completely disappeared” sabi ni PSI Lambao saka napahilot sa kanyang sintindo. Sumandal si PCI Calica at iniikot ang kanyang ulo sabay hawak sa leeg bago nagsalita “Kailangan natin ng bago, this case became a national issue dahil sa walang awang pagkamatay ng mag-anak.” Bumuntong hininga ito saka kami dinismissed. Nag-stay pa ako ng ilang oras sa opisina dahil sa ibang kasong hinahawakan ko. Hindi ko na nga napansin na inabot na ako ng gabi. Puspusan pa kasi ang paghahanap namin sa anak ni Mr. Bien Jace Davinson na nakidnapped. Nang matapos lahat ng kailangang gawin ay nag-inat ako bago anghanda sap ag-uwi. Walang tigil ang pagmumura ko sa sarili ko nang mapagtanto kong ngumiti ako ng maalalang uuwi na ako at makikita ko na ulit si Cenny. Putang-ina mo Paul. Maghulos dili ka.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD