(PAUL) Busy ang lahat sa opisina. Tutok ang lahat sa kaso ng Gamboa, ni Mr. Cole at ni Hazel Poliran. Hindi nakakatulong ang kung ano-anong sinsabi ng mga netizen. Mayroon pang nagpapakalat ng maling balita. Mayroon ding ginawa na lang memes ang tungkol sa kaso. “Kailan daw darating ang result ng autopsy ni Hazel?’ tanong ko kay Arjay. “Baka daw one to two-weeks pa sabi ni Ross, siya na daw ang personal na kukuha doon sa lab. Kaibigan nun yung Pathologist, si Lovely Teburcio” sabi nito. Tumango na lang at bumalik sa pag-iisip. May iba’t-ibang uri ng autopsy. Ang isinagawa kay Hazel ay Complete Autopsy kaya matatagalan. Buong katawan kasi nito ang susuriin kasama ang mga internal organs nito kaya matatagalan. Kay Mr. Cole kasi ay Partial Autopsy lang, ang kanyang ulo lang ang ine

