HEADS UP BABES! WALAA KONG KAALAM-ALAM KUNG PAANO ANG PROCESO SA LOOB NG KORTE, ANG NASA CHAPTER NA ITO AY PAWANG BASE LAMANG SA NAKITA KO SA INTERNET. KUNG MAY MALI MAN, PASENSYA NA. SALAMAT (PAUL) Malapit ng mag-umpisa ang hearing. May mga media sa labas. Balita na naman sa buong bansa ang magaganap na pagdinig ngayong araw. Nakahanda na ang magkabilang panig, si Prosecutor Eves Cyrus at si Atty. Joanna Soriano. Maya-maya ilalabas na si Arjay. Hinihintay na lang rin si Judge Jobert Cajeric. I look at Prosecutor Eves Cyrus, seryoso lang ang mukha nito, walang mababakas na ano mang emosyon. Nakatingin lang ito sa mga papel na nasa table niya. Napatingin ako sa kaliwa ko. Naroon ang mga magulang ni Arjay at ibang kamag-anak. Mayroon ding mga kilalang abogago na narito para masaksi

