AZZER'S FACE.... Nikki's POV... "Jarred ,gusto kong maintindihan ang lahat ng nangyari noon, alam ko may alam ka kaya itinago mo ako.. " sabi ko sa binata makalipas ng ilang saglit na katahimikan. Bumuntong hininga siya at iniiwas ang tingin sa akin. "Ellaina, ang alam ko lang ay may gustong pumatay sayo, yun lang" Pakiramdam ko ay higit pa don ang alam ni jarred pero hindi ko na sya kinulit pa. Inenjoy ko nalang ang tanawin don. "Sino nang nakapunta dito? Diko kase alam na meron ganito sa gitna ng gubat " tanong ko pa sa binata. "Walang nakakaalam ng bahay na to, ikaw lang at ako saka si Azzer. " Nagtataka man ay hindi na ako muling nagkomento. Nang araw ding yon ay pinuntahan ko si daddy sa bahay nila Jarred. Doon na pala ulit ito nakatira. Pero sinabi ng katulong na wala

