I CAN'T..... Azzer's POV... Nakahinga ako ng maluwag ng makatakas sa roof top kung saan nagpa practice ang mga kasamahan ko ng paggigitara at pagkanta. Mamaya na kami manghaharana kay Nikki pero wala pa kaming nakakabisang nota. Kailangan kong maghanap ng marunong maggitara. Kahit yon manlang dahil ayokong pagtawanan mamaya pag narinig ng lahat ang boses palakang pagkanta namin at ang sintunadong paggigitara. Dibdiban ang pageensayo nila Angelo.. Kaya lumabas muna ako ..natanawan kopa sila Nikki at Imarie na tila pabalik na ng dorm. Napa simangot ako ng dumako ang tingin ko kay Nikki. Itong babaeng to ang may kasalanan kaya naghihirap kami ngayon. Kung sana ay di nya binabaliwala ang leader namin wala sanang harana ang magaganap mamaya. Tsk.. Sakto naman na nakita ko si Raiko na ma

