COLD HEART.... Nikki's POV... Maaga akong bumalik sa Mondejar University. May isang tao pa akong nais makita. Pinuntahan ko agad ang taong yon sa storage room ng dorm. Nakita ko syang nagaayos don. Natigilan si Aling Meding nang makita akong pumasok don at isinara ang pinto. "A-anong ginagawa mo dito? " kunot ang noong tanong sakin ng matanda. Mabilis na nabasa ng luha ang pisngi ko habang nakatitig sa kanya. Nagtaka naman ang kaharap kung bakit ako umiiyak. "Y-yaya.... " hirap kong sambit dahil sa pagpiyok ng boses ko sa malabis na pagiyak. Nang marinig yon ay nanlaki ang mga mata ni Aling Meding. "Y-yaya Meding... A-ako to.. Si E-ellaina! " humihikbing sabi ko at mabilis syang niyakap. Napaiyak din ang matandang nagpalaki sakin non. Nagyakapan kami habang umiiyak sa loob

