Malamig ang simoy ng hangin na galing sa dagat, pero sa loob ng tent namin ni Julian, sobrang init. Tatlong tent ang nakatayo sa gilid nang dagat. Isang malaki para kina Mama at Papa, isang tent para kina Blake at Maria, at itong pangatlo na kinaroronan namin ni Julian. Nakahiga ako, nakasandal ang ulo ko sa braso ni Julian habang siya ay nakatingin sa kisame ng tent, dahan-dahang nyang hinahaplos ang buhok ko. Tahimik lang ako. Malalim ang iniisip. At hindi, hindi ko iniisip yung mga nakakasukang sinabi ni Mama kaninang hapon tungkol sa kasal namin ni Julian. Ang tumatakbo sa utak ko ay kung paano. Paano ko aakitin ang isang lalakeng napaka-imposibleng maakit. Nung nakita ko siya kanina na nag-aalala sa akin bilang isang nakababatang kapatid, imbes na sumuko ako, lalo lang akong nangig

