Blake Habang dumadaan ang mga araw, palala nang palala ang mga pangamba ko. Ikalimang araw na namin ni Alexene rito sa Maynila at kulang na lang ay hilahin ko na kaagad ang natitirang dalawang araw pa naming pananatili rito bago bumalik sa Laguna. Doon ay mas safe ako kahit papano. Isa pa, gusto kong makabawi kay Alexene roon. Alam kong hindi naging maganda ang trato ko sa kaniya noong unang beses kaming dumating doon. But now, I will try my best to become the best husband she'll ever have. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nag-iisip. Tulog siya ngayon at andito kami sa kuwarto niya. Buong pagmamahal kong hinaplos ang sinapupunan niya. I can't wait for us to get married again, iyong parehas na naming gusto at parehas na naming mahal ang isa't-isa. Then after that, ang munting anghel na

