Hindi naging handa si Alexene sa naging sagot ni Dylan noon. Sa kaibuturan pa naman ng kaniyang puso ay umasa siyang muli na sinisira lang ni Dylan ang pagsasama nila ni Blake. "Ayaw ka ni Mr. Adams para sa anak niya, Alexene... Kaya noong makilala niya ako, isiniwalat niya sa akin lahat ng ginawa ni Blake sa 'yo para — "A-Ang tiyan k-ko..." Napapreno bigla si Dylan nang marinig ang ungol ni Alexene. Dahil sa pangyayaring iyon sinabihan na ng mama ni Alexene si Dylan na tigilan na ang pagbanggit kay Blake o sa kahit na ano pa mang may kinalaman sa mga Adams hangga't hindi pa nakakapanganak si Alexene. Simula nga noon ay hindi na tinangka pa ni Dylan na ikuwento ang lahat ng nalaman nito sa daddy ni Blake. Simula rin noon ay hindi na rin nagtangka pang magtanong si Alexene. Nagkasya na

