Pinahid ni Isabella ang luha sa mga mata matapos maalala ang nakaraan nila ni Dylan. Alam niyang hindi sila nagkaroon talaga ng pag-ibig sa isa't-isa. Naging sandalan lang nila ang bawat isa sa mga pinagdadaanan nila noon sa kani-kanilang kasintahan. Ngayon ay naiintindihan na ni Isabella kung bakit tila pamilyar sa kaniya si Alexene noong makita niya ito na kasama si Blake. Akala niya ay dahil ito ang nakita niya noon sa isang kainan sa mall. Pero bukod doon, naaalala niya na ngayon na ito ang babaeng lumapit sa kanila ni Dylan noong papuntahin niya si Dylan sa townhouse nila para sana ipakilala sa kaniyang mga magulang. Nakipaghiwalay na siya kay Blake noon at nakahanda na sana siyang ipakilala si Dylan bilang bago niyang boyfriend. Subalit niloko lang pala siya ni Dylan. Ang sabi sa ka

