Halos sabay na nadala sa ospital sina Blake at Alexene. Sa pinakamalapit na ospital na parehong nadala ang dalawa at isa iyong public hospital. Sa mga doktor na rin ipinaubaya nina Dylan ang tamang paglilinis sa sanggol na isinilang ni Alexene. Maging si Alexene ay inasikaso pa rin ng mga doktor dahil sa panghihina ng katawan nito. Si Blake naman ay kaagad ding inasikaso sa emergency room. Lamog ang mukha nito at halos mabalot na ng dugo ang damit nito. Kinagabihan na nagmulat ng mata si Blake. Tumitig muna ito sa kawalan bago nito naalala ang lahat ng nangyari. "Buti naman at gising ka na pala. Tamang-tama ang pagkakabili ko ng pagkain." Napalingon si Blake sa halos kararating na si Manang Elvie. "P-Paano po ninyo nalaman?" medyo hirap pa sa pagsasalitang tanong ni Blake. "Tumawag sa

