AKEESHA POV “Akeesha, bumangon ka na dyan.” Nagtalukbong ako ng kumot ko. Ayaw ko pang bumangon. Ayokong pumasok dahil makikita ko si Ryan. At sobra sobra ang hiyang nararamdaman ko at pakiramdam ko ay matutunaw ako kapag nakita ko sya. “Akeesha.” “Hindi muna ako papasok Riya.” “Hindi pwede. Excuse na tayo sa morning class dahil pinapatawag tayo ni Mr. Davis.” Bigla akong napabangon nang banggitin ni Riya si Mr. Davis. “Si Mr. Davis?” “Oo, kaya bumangon ka na dyan. Hindi mo gugustuhing makitang magalit si Mr. Davis kapag nalate tayo.” “Pero bakit naman nya tayo ipapatawag?” Bahagyang natigilan si Riya pero kalaunan ay ngumiti sya sa akin. “Hindi ko alam. Pero sa ngayon, kailangan mong bilisan dahil ayokong malate.” Hindi na ako nagtanong pa. Bumangon na lang ako at dali dali

