AKEESHA POV “OMG! Akeesha, yan ba ang sinasabi mong binigay sayo ni Ryan?”, bungad sa akin ni Riya. “Oo.” “Pero paano, nagfade dapat yan dahil yan ang kwintas ng foundation day.” “Ano ka ba Riya, replica lang ito nung kwintas.” “Imposible, dahil walang may kakayahan na gayahin ang kwintas na likha ng foundation day.” “Anong ibig mong sabihin?” Nakatitig lang si Riya sa kwintas na suot ko. Oo, sinuot ko na ang kwintas na bigay ni Ryan. I chose to trust him gaya ng sinabi nya sa akin nung Elemental ball. “Riya.”, muling tawag ko sa kanya dahil natulala na sya. “Ah, wala. Kalimutan mo na ang sinabi ko. Pero teka, isinuot mo na sya. Ibig sabihin, pinagkakatiwalaan mo na sya? Ano palang pinag-usapan nyo kagabi? Okay na kayo? Kayo na?” “Teka Riya, ang dami mo namang tanong. Pero oo,

