AKEESHA POV “Kaya mo na ba talagang pumasok Akeesha?” “Ako pa ba?”, nakangiti kong sabi kay Riya. Ang totoo ay medyo nanghihina pa din ako. Pero kailangan ko nang pumasok dahil dalawang araw na akong absent. Naiinip na din kasi ako dito sa dorm dahil wala akong magawa. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. At natuon na naman ang pansin ko sa mga mata ko. Naging kulay asul na kasi ito simula nung magising ako. Gusto kong tanungin sina Riya kung anong nangyari sa akin pero mukang ayaw naman nilang sabihin kaya hindi na ako nangulit pa. “Let’s go Akeesha.” Lumabas na kami ng dorm at nakita si Jethro na matyagang naghihintay. “Good morning!”, masayang bati ni Jethro. “Good morning! Nasaan pala si Ryan?”, sabi naman ni Riya. “Maaga syang umalis ng dorm. Baka nasa classroom na sy

