AKEESHA POV “Hindi ka pa ba papasok sa loob?”, tanong sa akin ni Riya. Nandito lang kasi ako sa labas ng classroom. Inagahan ko talaga ang pasok at nakisabay din naman sa akin si Riya dahil maaga din syang nagising. "Papasok na din ako maya maya. " "Sige, ikaw ang bahala. " Pumasok na sa loob si Riya habang ako ay nanatiling nakatayo dito sa labas. Maya maya ay nakita ko si Ryan na padating. Agad ko syang sinalubong sa may hallway pero nilampasan nya lang ako. Agad kong hinawakan ang braso nya kaya napatingin sya sa akin na nakakunot pa ang noo. “What?”, seryoso nyang tanong sa akin. “Mag-usap tayo.” Hinigit ko sya paalis sa hallway dahil ang dami nang nakatingin sa amin. Hindi naman sya umangal at sumunod lang sya sa akin. “Now what?” “First of all, pakitanggal muna ng kwin

