THIRD POV Hindi mapakali si Akeesha dahil alam nyang sa mga oras na iyon ay inaatake na ng mga rebelde ang academy. Sya ang legendary ngunit nandito sya, nakakulong at wala man lang magawa. Sinubukan na din nyang tanggalin ang posas nya pero nanghihina sya dahil sumasakit ang ulo nya. At habang tumatagal ay patindi ng patindi ang sakit ng ulo nya. Pabagsak syang humiga sa kama nya hanggang sa hindi na nya kinaya at napasigaw na sya sa sakit. Agad namang naalarma ang mga nagbabantay sa kanya ngunit hindi nila ito malapitan dahil wala sa kanila ang susi ng kulungan nito. Patuloy ang pagsigaw ni Akeesha na halos mabingi na ang mga bantay. Sa isang malakas na sigaw ay pinalibutan si Akeesha ng liwanag na syang ikinatakot ng mga bantay. Unti unti na ding nag-iiba ang kulay ng buhok nya a

