AKEESHA POV “Good morning Akeesha!”, masayang bati sa akin ni Alvin. “Good morning.”, sabi ko naman. “Ahm, Akeesha, pwede ka bang maaya mamaya after ng afternoon class. Mamasyal lang sa pamilihan.” Nagkatinginan kami ni Riya. Nandito kami ngayon sa classroom at naghihintay lang ng teacher nang dumating si Alvin at inaaya nya nga ako. Pasimpleng tumingin din ako kay Ryan, nakaub-ob lang ito sa desk nya. “Sorry Alvin, may gagawin kasi kami ni Riya. Siguro sa mga susunod na araw na lang. Pasensya ka na ha.” Hindi ako pwedeng sumama kay Alvin dahil may secret training pa kami mamaya. “Ganun ba. Okay sige.” Medyo nakonsensya ako dahil sa pagkadismaya ni Alvin. Pero mas kailangan kong unahin ang pagtetraining ko. The morning class went well. At kasalukuyan kaming nandito sa cafeter

