Masasabi kong hindi kasing lawak ng Martenei University ang eskuwelahang kinaroroonan ko ngayon ngunit kung layo sa mismong siyudad ang gagamitin kong pagkukumpara, masasabi kong magkapareho sila. Napapaligiran ito ng naglalakihang pader na imposibleng maakyat ng isang ordinaryong tao lang. At hindi ko makakalimutan ang dalawang napakatayog nitong gates kung saan nakamarka ang pangalan ng eskuwelahan. Ayon kay Shichi, galing daw iyon sa isang notorious na Yakuza clan noong nagsisimula pa lang makilala sa Japan ang Yakuza. Ang Hisayuki Shiregaki. Kumbinasyon ng tradisyonal at makabagong buildings ang nasa paligid. Nahahati ang eskuwelahan sa dalawang campus. Ang una ay kung nasaan ang mga tagapagmana ng mga organisasyon sa Yakuza pati na rin ang mga piling sasanayin bilang kanang-kamay at

