Kanina pa ako nakatingin kay Hunter na busy sa pagpirma ng mga dokumentong nasa mesa niya kaya kanina ko pa rin napapansin ang ikli ng suot ng sekretarya nito. Maging ang panaka-nakang pagdikit niya kay Hunter ay hindi nakaligtas sa mga mata ko. Hindi ko alam kung sadyang manhid lang si Hunter para hindi iyon mapansin o sinasadya lang nito na huwag pansinin dahil wala naman itong pakialam. I tried clearing my throat ngunit sandali lang akong tinignan noong babae at saka nito ibinalik sa amo niya ang kaniyang tingin. What the. Natigilan ako nang magvibrate ang cellphone ko na nasa loob ng sling leather bag na dala-dala ko. I excused myself for a while nang makita ko ang pangalan ng caller. It was Hudson. Pumunta ako sa malapit sa may storage room at doon sinagot ang tawag nito. "What

