Walang bantay na natira sa cottage na tinutuluyan ni Lee matapos na i-jam ni Hudson ang koneksyon ng mga walkie talkie na ginagamit ng mga ito, and as expected, with that simple move, tingin nila ay nasa panganib na ang Congressman na pinagsisilbihan nila. There are times that I wonder if paano nila nakakayanang sikmurain ang pagsisilbi sa isang halimaw na gaya ni Peter, but there's only one possible answer—money.
Dahan-dahan akong pumasok sa cottage ni Lee upang gawin ang pakay ko roon—to look for an evidence na maaaring magamit laban sa kaniya sa aconite poisoning na nangyayari sa lugar na 'to at ebidensyang magdidiin sa kaniya sa isa sa pinakamalalaking drug den sa Panama. If he's really behind the poisoning incidents, ano naman kaya ang pakay niya?
Binuksan ko ang bawat drawer na nandoon upang tignan kung may mga mahahalagang papeles na nakalagay roon but there's none. Sunod kong tinignan ang mga gamit nito. I moved every thing extra careful dahil ayokong mahalata ni Lee na may pumasok sa kwarto niya at may mga gaya naming sumusunod sa kaniya rito sa Maldives. Inis akong napatayo nang wala akong makita sa mga gamit nito.
I think, move and repeat that cycle all over again but I couldn't find any. Mukhang mali si Damira, pawang bakasyon nga lang ata ang pakay ni Lee sa lugar na 'to at walang kahit na anong dokumento itong dala. I turned on my in-ear at inupdate si Hudson tungkol sa status ko. I heard him sigh from the other line.
"Leave his room. I'll update Damira about him," ani nito.
Akmang susundin ko na ang sinabi niya nang biglang mamatay ang ilaw at bumukas ang pinto. I did my best to hid myself behind the door dahil sa presensya ng kung sino. One thing's for sure, it is not Lee. Sumilip ako nang bahagya, nag-aasam na makita ang mukha ng taong kakapasok lang but it was of no use. The person's face is covered and even her whole outfit were all black in color. Ang tanging alam ko lang ay babae ito base sa galaw ng katawan niya at sa buhok nito na nakaponytail at nakalaylay lang sa bonnet na suot niya.
Carefully, I got my gun at sa isang iglap ay pinaputukan ito but she's fast. She was able to dodge my bullet and kicked my gun away from me. From her movements, alam kong hindi lang basta-basta ang babaeng ito. She knows how to fight at kaya pa nitong sabayan ang bawat galaw ko. I was about to give her a front kick but she was able to caught my leg at saka ako nito ibinagsak sa sahig. I groaned because of how my body aches after the impact. She gave me one last kick on my side bago ito tumakbo palayo.
Pinilit ko namang tumayo agad at saka mabilis na isinarado ang pinto ng kwarto ni Lee. I saw Hudson running towards my direction.
"What happened?" he asked.
Sinikap ko munang huminga nang maayos at saka ito marahang tinignan. "It seems like...we got another company."
"What?!"
"Somebody's also here for Lee," dagdag ko at saka nagpalinga-linga sa paligid but it was of no use. Wala ng tao sa paligid namin at tanging ang malakas na musika at hiyawan sa may long beach ang bumubuhay sa lugar. Good thing na abala ang lahat sa pagpaparty kaya hindi nahahalata ng mga 'to na may nangyayaring kaguluhan sa parte ng isla kung nasaan kami. That's the least thing that we would want after I used my hand gun to draw a shot. Fortunately, Denver built every gun with a special silencer.
"Let's go," ani Hudson sa akin. I followed him para balikan ang kinaroroonan ni Lee at ng mga tauhan niya base sa nakita ni Hudson bago siya umalis but they weren't there. Walang kahit na anong bakas ng presensya nila sa lugar na 'yon.
"f**k!" asik ni Hudson matapos makita ang pagkawala ng mga target namin. "Let's find them. Immediately!"
Akmang kikilos na kaming dalawa nang makarinig kami ng tatlong sunod-sunod na putok ng baril. People started to scream and run in every direction. Hudson held on my wrist at hinila ako paalis sa lugar na 'yon. Sa dami ng tao, hirap na akong aralin ang lugar para makita ang kinaroroonan ni Lee at ng mga kasama niya.
Sa gulat ko ay bigla akong hinila ni Hudson at sa isang iglap lang ay lumapat sa pader ang likuran ko.
"She's here," pabulong na saad nito. Kinuha nito ang Sig Sauer at Smith and Wesson na dala-dala niya. Knowing that be has to be here, hindi ko alam kung saan nito iniwan ang rifle na dala nito.
We were about to move when an explosion happened. For a short while, I couldn't understand what was happening. My ears kept on ringing and the last thing I know ay hila-hila na ako ni Hudson paalis ng lugar na 'yon, at papunta sa direksyon kung nasaan ang babaeng may kagagawan ng lahat ng 'to.
Napasinghap ako sa nasaksihan nang makarating kami sa pinangyarihan ng pagsabog. Tons of dead body were on the sand, halos marami sa kanila ang hindi na makilala dahil sa tinamo mula sa pagsabog.
"They were all Lee's men," ani Hudson matapos nitong tignan ang palapulsuhan ng iilan sa mga taong nakahandusay sa buhanginan. "They were all f*****g Lee's men! Lee's not f*****g here!"
"H-Hudson..."
Halos hindi ako makapagsalita nang may mapansin ako sa rock formations sa hindi kalayuan. Natutop ko ang bibig ko sa pagkagulat at takot. Alam kong hindi malinis ang konsensya ko sa kada misyon na ginagawa namin, but this one's different. Hindi ako ganito kabrutal gumawa ng misyon.
"Motherfu—"
Hindi na natuloy ni Hudson ang sasabihin nang muling umalingawngaw ang isang putok ng baril. Hindi ko man nakita kung saan ang direksyon na pinatunguhan ng bala, but one thing's for sure, it has something to do with what's hanging on those rock formations.
It was Lee's body.