Nang may pumalit na sa akin sa pagbabantay kay Hunter ay sumama na ako papunta sa opisina ng daddy nito. Hindi ko alam kung anong sasabihin nito sa akin na panigurado namang tungkol sa nangyari sa anak niya at imbes na siya ang pumunta sa kwarto nito ay ako ang ipinatawag niya. Parang may kung ano namang gumugulo sa dibdib ko dahil nag-iisip ako sa kung ano ang gusto nitong pag-usapan. Nang makapasok ako sa opisina nito ay agad ko ring pinaalis ang security na nag-escort sa akin at saka isinara ang pinto ng library. I saw the President holding a wine glass filled with wine at tahimik itong sumisimsim doon habang tila malalim ang iniisip. “Mr. President,” I called. “How’s Hunter?” he asked. “As of the moment, we’re still waiting if his body will stabilize. If it won’t, we have to br

