Naging abala kami ni Hunter no'ng mga sumunod na araw para sa paghahanda sa kasal. The public found out about the news already dahil inanunsyo na ni Hunter sa madla ang tungkol sa kasal namin at sa kagustuhan ni Hunter na sana ay irespeto nila ang naging desisyon niya—naming dalawa. "What do you think of this suit?" he asked me nang makalapit ito sa gawi ko dala-dala ang isang kulay puting suit. It was a simple one yet binuhay ito ng mga itim na linya ng detalye nito. Napangiti ako. "White symbolizes innocence and purity. You are neither of the two," pagbibiro ko na ikinatawa nito. "However, it can also mean a new beginning or a fresh start. If you want it, I bet you'll look good in it." He hissed. "You bet? Wow, I am quite hurt," aniya na hinawakan pa ang dibdib nito at umaktong nas

