Tumagal ng halos ilang minuto ang pinagsaluhan namin nito na halik. Habol ang hininga namin ngayon parehas. "Mahal na mahal din kita Xavier!" Sabi ko din dito. Hindi ko pa din mapigilan hanggang ngayon ang mga luha ko,,dahil lumuluha na ako sa saya ngayon. Sinong mag-aakala na sa ganito kami hahantong na dalawa iyong tipong mamahalin n'ya din pala talaga ako. "Salamat dahil dumating ka sa buhay ko Akira,,kung wala ka siguro hindi ako ganito ngayon.Marami ang nagsasabi sa akin na malaki daw ang aking ipinagbago lately, mga taong higit na nakakakilala kung sino ba ako." Wika pa ni Xavier sa akin. "Salamat din,dahil kung hindi mo ako nahired noon bilang magpapanggap na asawa mo ay baka hindi na nadugtungan ang buhay ni Inay." Sabi ko naman dito. Inalalayan naman ako nito na maupo muna,

