Akira Louise Sevilla POV Two months later: Pagkatapos ng dalawang buwan heto ako ngayon at naglalakad na aisle papunta sa lalaking mahal ko. Halo-halo ang aking nararamdaman ngayon habang naglalakad, inaalala ko kasi ang mga araw na iyon. Ang mga araw na hirap na hirap ako sa araw araw namin na buhay nila Inay na halos hindi na ako natutulog noon para lamang makahanap ng raket. Paano nga kaya kung hindi ko nakilala ang isang Xavier? Ano kaya ang buhay ko ngayon? Naalala ko pa ang unang araw na makita ko s'ya papasok sa casa de Vera. Ang tanging laman lamang ng isip ko noon ay magkaroon ng trabaho na tutustos sa pangangailangan namin nila Inay,,pero imbes na trabaho lamang ang mahanap ko ay aking din pala na makikilala ang lalaking mamahalin ko at ngayon nga heto kami kung saan s'y

