Habang nasa byahe kami ni Maxine ay hindi ko na ito muling tinanong pa kung saan ba kami pupunta. "Ate kumusta nga pala si Vanessa sa'yo?" Tanong nito na ikinalingon ko sa kan'ya. Nakatingin kasi ako sa labas ng kotse ngayon. "Okay naman,, sad'yang maldita lang din pala ang isang iyon at tulad nga ng sinabi mo kanina ay hindi naman din ako magpapatalo sa isang iyon na maganda nga pero demonyita naman." Sagot ko dito. "Alam mo Ate,, ibang klase ang babaeng iyon.Tulad mo ay hindi ko din gusto ang alaga n'ya." Sabi pa nito. "Alam ko Maxine kaya nga hindi din ako pumapayag na basta na lamang n'ya na pagsabihan ng kung anu-ano,,iba ata ito!" Nakangiti pa na sabi ko dito. "Tama ate h'wag kang papatalo sa impaktang iyon,,kapag need mo ng back up,ako na ang bahala " Sabi pa nito at lumingon

