Elora’s Point of View NAKATITIG pa rin ako sa kisame. Mabilis akong napabangon ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ang bag sa tabi ko. I took my phone out of my bag. Nakita ko na si Nanay Veronica ang tumatawag. "Nay?" Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang iyak ni Sevi. "Nay, bakit po umiiyak si Sevi?" Nasa tainga ko ang cellphone ko. Pinapakinggan ang iyak ng anak ko. "Anak, eli, kanina pa ito umiiyak hindi ko alam kung bakit? Ginawa ko na ang lahat, pero ayaw pa rin niyang tumigil sa pag-iyak." "Nay, pa-on po ng camera, I want to talk to Sevi po." Sinunod ni Nanay Veronica ang sinabi ko. Agad kong nakita ang luhaang mukha ng anak ko. "Hey, baby, what's wrong? Bakit umiiyak ang baby ko?" Hikbi lang ang tanging naging sagot nito. Napabuntong-hininga ako. Baka namimiss l

