Elora's Point of View NAKAYUKO ako sa mga papeles na pinipirmahan ko nang malakas na bumukas ang pintuan ng opisina ko. It was Hannah, pawis na pawis ito na parang galing lang sa pagtakbo. "I'm sorry, Ma'am Astrid, hindi ko na po siya napigilan sa pagpasok dito," paumanhin ni Kristina. Tumango ako kay Kristina bilang pagsang-ayon na pwede nya na kaming iwan. Nang makalabas ito ay umayos ako ng upo. Binaba ko rin ang hawak kong ballpen, at tinitigan si Hannah ng walang emosyon. "Ellie..." Naglakad siya papalapit sa akin. "Ikaw ba ang gumawa ng lahat ng ito?" Nag-uunahan ang mga luha na pumatak sa mga mata nito. Bigla akong naawa; hindi ko pa man alam ang dahilan kung bakit ito umiiyak ay naawa na ako. But then, ang mga alaala niya at ni Hayden ay bumalik sa isipan ko, na siyang nagpaw

