Elora’s Point of View PABABA kami ni Yaya Veronica sa hagdanan. Ipinatawag kami ni Dad dahil may bisita raw na sasama sa amin sa hapunan. Mabilis kong inayos ang sarili ko, naglagay pa ako ng concealer sa ilalim ng aking mga mata para hindi mahalata nina Dad na umiyak ako. “Yaya, may ideya ka po ba kung sino ang bisita?” Nakaalalay si Yaya sa braso ko. “Hindi ko rin alam, anak. Hindi ako na-inform na magkakaroon ng bisita ang Daddy mo ngayong gabi.” Tumango na lang ako. Wala rin kasi akong ideya kung sino ang bisita. Bigla na lang kumatok ang isang maid kanina para tawagin kami. “Mauna ka na dun sa dining room, anak. May gagawin lang ako saglit sa kwarto ko.” Tumango ako at bumitaw kay Yaya. Dumiretso ako sa dining room. Nasa entrance pa lang ako, naririnig ko na ang masayang tawana

