Elora’s Point of View MAGKAHAWAK-KAMAY kami ni Uncle Seb nang lumabas sa sasakyan. Habang naglalakad papasok sa mall, inakbayan niya ako, at hinapit palapit sa kanya. His actions seem possessive, but I don't let my thoughts get to me. Masakit ang umasa, lalo na’t wala naman siyang sinasabi tungkol sa amin. Pagkapasok namin sa mall, nagsalita si Uncle Seb. “What to do first?” tanong nya, at ramdam ko ang mainit niyang hininga sa tainga ko. Nanigas ako. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Binalingan ko siya, at halos maglapat na ang mga labi namin dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. “Ahmm…” Sinapo niya ang mukha ko, saka huminga nang malalim. “You look so uncomfortable. Gusto mo bang umuwi na lang tayo?” Natigilan ako. Akala ba niya gusto ko nang umuwi dahil tumigil ako sa p

