Elora’s Point of View "HINDI ba kayo kakain?" Nagtititigan pa rin kasi sina Lance at Seb. Umiigting ang panga ni Seb habang nakatingin ng mariin kay Lance; ganoon din si Lance. "Kung hindi kayo kakain, mas mabuti pang bumalik na lang kayo sa hotel rooms ninyo. Kesa naman ang magtitigan kayo na para kayong nagpapatayan na dalawa." Bumuntong-hininga ako. Sinimulan ko nang kumain. I don't care kung ma-offend sila sa sinabi ko, but I just can't tolerate this. "Oo nga, nawawalan ako ng gana sa inyo," sabat ni Llan. Mabilis na kinuha ni Darren ang empty can na nasa gilid ng mini-table at ibinato kay Llan. Napadaing naman ito nang matamaan sa ulo. "Tangina ka, kanina ka pa kumakain, ngayon mo pa sasabihin na nawawalan ka ng gana?" "Anong pakelam mo? E sa nagugutom ako!" Napailing na lan

