Elora’s Point of View NAPANGITI ako nang mapagmasdan ang ganda ng isla. We got a new client at tama nga si Sereia, mukhang bigatin talaga ito. Kinuha nila ang team namin para sa outfits ng mga models at dito gaganapin ang photoshoot. “It’s nice to finally meet you, Mrs. Villamoore,” Agad na kumunot ang aking noo sa naging address nito sa akin. ‘Hanggang dito ba naman iyan parin ang itatawag sa akin?’ Bigla ko tuloy naalala ang nangyari sa bar ilang araw na ang nakakaraan. Nagkasakit pa ako kinabukasan at hindi ako nakapasok dahil sa mga naganap. I give him a small smile; baka nagkamali lang ito. “Ms. Almonte, not MRS VILLAMOORE, Sir,” magalang kong sabi sa lalaking kaharap ko ngayon. He’s wearing a business suit at maayos rin ang pagkakasuklay ng buhok nito. He looks just around my age

