Elora’s Point of View
HINILOT ko ang aking sentido. Masakit ang ulo ko. f**k, wala akong maalala kahit ano. Ang naaalala ko lang ay nagpakalasing ako kasama si Uncle Seb. Hanggang doon lang.
“Ma'am, Astrid.” Nag-angat ako ng tingin. Pumasok doon ang sekretarya ko na si Kristina, may dala siyang tray. Nilapag niya sa table ko ang tray na may lamang tubig at gamot. “Ito po, baka sakaling makatulong sa hang-over niyo.”
“Thanks.”
Kinuha ko ang gamot at agad iyong ininom.
“Ma'am Astrid, tumawag pala kahapon si Ma'am Hannah, hinahanap ka niya.”
Agad na sumama ang timpla ko ng mukha ko. “Bakit? Sinabi niya ba kung bakit?”
“Hindi po, eh. Basta hinahanap ka lang po niya.”
Napatango-tango ako. ‘Baka hinahanap niya ako dahil sa birthday na hindi ko tinuloy.’
“Anyway, may mga kailangan ba akong pirmahan today?”
“Wala naman po. Bilin po kasi ni Mr. Chairman na huwag daw po kayo bigyan ng maraming trabaho.”
“Bakit?”
“Hindi n'ya po sinabi ang dahilan, eh.”
Nang matapos ang usapan ay lumabas na rin siya. Pinikit ko ang aking mga mata; thanks to Kristina dahil nabawasan ang sakit ng ulo ko sa gamot na binigay niya.
Napakunot na naman ang aking noo nang bigla na namang may kumatok.
‘f**k! Sino na naman kaya ang letseng nasa labas?’
“Come in!” malakas kong sigaw.
Ilang saglit pa’y bumukas ang pinto ng aking opisina. Nakapikit pa rin ako, ngunit agad na napakunot ang aking noo nang maamoy ko ang pabango na pamilyar sa pang-amoy ko.
“Hey, baby.” Nagmulat ako ng mga mata. Biglang bumilis ang t***k ng aking puso nang makita ang gwapong mukha ni Uncle Seb.
“W-what are you doing here?” Gusto kong batukan ang sarili dahil sa pagkautal.
‘s**t! Hindi naman ito ang unang encounter namin ni Uncle Seb, pero bakit ngayon nauutal ako? Bakit parang iba ang epekto niya sa akin ngayon?’
“Why did you leave so early, hmm?”
Nakasunod ang mata ko sa bawat galaw nito hanggang sa maramdaman ko ang kamay n'ya na ipinatong sa magkabila kong balikat. His hands sent shivers to my stomach. Bigla akong nag-init nang hindi ko maintindihan.
“Baby,” Bulong nito na syang ikinapikit ng mga mata ko. “Hindi mo ba nagustuhan ang nangyari sa atin kagabi?” Nagtaasan ang balahibo ko sa tono ng pagkakasabi nito.
‘What the hell happened last night?’
“Don’t you remember how my lips, tongue, traced your body last night, baby?”
Agad akong napatayo. Muntikan pa akong matumba, ngunit agad niya akong naagapan.
“W-what do you mean?”
Fuck! Bakit ba kasi wala akong maalala? Kaninang umaga nang magising ako ay ang kaunting hapdi lang sa pagitan ng mga hita ko ang naramdaman ko.
“You really don’t remember?”
Inilapit niya ang mukha sa akin. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa bewang ko. Bumibilis ang aking paghinga sa bawat galaw ng ulo nito palapit sa mukha ko. “You sure na wala kang maalala?”
Kinakabahan na umiling ako.
“If that’s so… then.. ipapaalala ko sa’yo kung ano ang ginawa natin kagabi.” He seductively whispered, and was about to claim my lips nang biglang may kumatok na naman mula sa pinto.
“f**k!” He cursed. Hinaplos nito ang pisngi ko gamit ang hintuturo n'ya na siyang ikinataas lalo ng aking mga balahibo. “We’re not done yet, baby.” Bulong nito bago ako bitawan at umupo sa sofa dito sa loob ng opisina ko.
Inayos ko ang damit ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita.
“Come in.”
Agad na bumukas ang pinto. Pumasok doon si Hayden at Hannah na magkasunod.
“God, bestie, where have you been? I’m so worried about you.”
I wanted to throw up. Gusto kong masuka sa pinapakita nito. ‘Worried about me or worried dahil hindi natuloy ang birthday ko.’
“I’m good. No need to worry about.” I said and smiled.
“Are you sure? Bakit 'di mo tinuloy ang birthday party mo? Why did you cancel all of the preparations?”
Ngumiti ako sa dalawang taksil na kaharap ko. Kinakausap nila ako na parang wala silang ginawa when in fact naabutan ko sila na naglalampungan sa condo.
‘Hannah and Hayden, pinagkatiwalaan ko kayo. I became your benefactor. Ginawa ko ang lahat. Tapos ito lang ang igaganti nyo sa'kin? ’ Nabalik ako sa iniisip ko nang magsalita si Hannah.
“Sayang naman. Alam mo bang naka-ready na sana ang gown na susuutin ko?” she said, nanghihinayang ang boses.
Gusto kong matawa. Mas concerned pa talaga s'ya na hindi natuloy ang birthday party ko. Sa bagay, ito kasi sana ang unang makaka-attend siya ng ganoon kagara na party. Isa kasi siyang ulila, wala na siyang mga magulang. I met her eight months ago, she became my PA at home, hanggang sa naging magkaibigan kaming dalawa. Pinatira ko siya sa bahay namin, binihisan, pinakain ng masasarap na pagkain, I even asked Dad na gawin siyang manager sa clothing brand namin sa kompanya kahit na wala s'yang experience. Binigyan ko s'ya ng sarili nyang condo dahil ayaw nito na makitira sa mansyon at gusto nitong ma-experience ang mamuhay ng mag-isa. Ginawa ko ang lahat para sa kanya. I trusted her, ngunit sa huli ay lolokuhin nya lang pala ako. And this Hayden in front of me, wala siya sa posisyon niya ngayon, hindi siya makikilala ng maraming tao without me.
“Hey, babe, okay ka lang?”
I smiled at Hayden. “Yeah, I’m good. May iniisip lang ako.”
Pareho silang nakatitig sa akin na parang sinusuri ako. But I just smiled at them, pinasaya ko ang expression ko para di nila mahalata na may alam na ako tungkol sa relasyon nilang dalawa.
“Babe,”
“Hmm?”
“Nakausap ko si Tito…”
Masaya ang mga mata na sabi nito.
“About what?”
“About proposing to you, and you know what’s his answer?” parang excited na ito.
“What?”
“He finally said yes. Pinayagan na niya ako na mag-propose sa'yo. He even said na siya ang bibili ng singsing. God babe! Finally, tinanggap na rin ako ni Tito.”
“R-really?”
“Yeah.”
Hindi pwede ito. Kailangan kong makausap si dad, dapat masabi ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Hayden, about sa pagtataksil nito. Pero paano? Paano ko gagawin iyon? Baka mapatay ni Dad si Hayden kapag sinabi ko sa kanya ang totoong dahilan.
“C-congrats.”
Napatingin ako kay Hannah na may ngiti sa mga labi nito. Alam ko na hindi siya masaya sa balita ni Hayden. Kita ko sa mukha ni Hannah kung paano nag-iba ang face niya. She looks worried, and at the same time happy.
“Thanks, sis.” I said. Gusto niya ng plastikan, sige ibibigay ko sa kanya, total siya naman ang nag-umpisa. “And can you be my bridesmaid at our wedding?” Her face got pale. Parang hindi nito inaasahan ang sasabihin ko. “Why? Ayaw mo ba?” Pinalungkot ko ang aking mukha “You’re my best friend, aren’t you happy that Hayden and I are getting married?”
Nanlaki ang mga mata niya. “No. It’s not like that! H-hindi ko lang inaasahan ang lahat.” saad nito sabay ngiti sa akin ng peke.
Gusto ko na lang matawa. Nakalimutan na yata niyang lagi kong kinukwento sa kanya ang tungkol sa amin ni Hayden. Alam din niya na matagal na naming balak na magpakasal kung hindi lang dahil kay Dad.
“So when are we gonna find a dress, venue and everything for our wedding?” excited na tanong ni Hayden.
Gusto kong matawa, wala pa nga kaming engagement ring, wala pang engagement na nanangyayari pero gusto na agad nito maghanap ng venue para sa weeding.
‘So excited, huh. Tingnan lang natin.’
“Next week?” I said. We’ll see kung hanggang saan ang kaya niya. “At gusto ko na ikaw ang gumastos ng lahat para sa kasal natin. Ayoko na si Dad ang pagastusin ng lahat. Alam ko na mahal na mahal ako ni Dad, pero ayoko na bawasan o gastusin ang meron si Dad. Ikaw ang groom kaya dapat ikaw ang gumastos, total wedding naman natin ang gaganapin.”
Umawang ang labi nito na parang hindi makapaniwala. “But you promised before na ikaw ang gagastos ng lahat, diba?”
‘Yes, Hayden, I can still remember everything. Naaalala ko pa ang lahat. Everything I said na ako ang gagastos kapag nagpakasal na tayo.’
I looked at him disappointed. “That was before. Iba na ngayon, Hayden. I don’t own this company. Wala pa rin akong ipon dahil last year lang naman ako nag-start na mag-work dito.”
Kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. “A-ahmm…”
“Ayaw mo ba? Are you backing out now?”
“N-no. Nagulat lang ako. H-hindi naman kasi biro ang gagastusin at hindi ko alam kung kakasya ang perang naipon ko.”
“Pwede naman nating ipagpaliban na lang ang wedding, diba? Maybe next year?”
“No!” napataas ang kilay ko sa sagot nito. “I-i mean, gagawa ako ng paraan.”
Ngumiti ako sa kanya. Kung siguro hindi ko siya nahuli na nagtataksil, baka kanina pa nagdiwang ang puso ko sa saya.
Tumingin ako kay Hannah na tahimik lang na naka-upo. Para siyang may malalim na iniisip.
“Hannah,” untag ko sa kanya. Nag-angat sya ng tingin.
“Ahmm… babalik na pala ako sa opisina.” she smiled at hindi na ako nito tinapunan pa ng tingin.
“B-babe, I’m just g-gonna get… ahmm… something.” pagkatapos ay lumabas siya kasunod ni Hannah.
##########
❤️ Xoxo ♥️