Sereia's POV BUMUGA AKO NG MALALIM na hininga habang nagluluto ng hapunan namin. After that intimate kiss, ginawa ko ang lahat para iwasan si Llan. Nagkulong uli ako sa kuwarto ko at naligo—salamat sa mga bagong damit na pambabae na hindi ko alam kung saan galing. Pagsapit ng gabi ay lumabas ako sa kuwarto at nagtungo sa kusina nang magutom ako. Thankfully, Llan was not around. Hindi ko alam kung nasaan ito at wala akong pakialam. ‘Wala nga ba?’ said one of my evil minds. I sighed again. Ayaw ko na siyang singhalan o sigawan, napapagod na ako. Pero iyon lang ang tanging paraan para maprotektahan ang puso ko na alam kong mahina pagdating kay Llan. I was so tired of fighting my feelings for Llan. Nakakapagod din palang labanan ang nararamdaman. Umaamin naman akong hindi pa nawawala sa pu

