Chapter 8

1892 Words
Fhaye's p.o.v Hinatid ako ni Kian sa bahay. Siya nga pala ang kasama ko kanina pa. "Hanap lang kami ng hanap nakikipag-date lang pala." Si Luijen yan. Nagsisimula na naman sa paghahanap ng mga maibabatong mga salita sa akin. Kinausap ni mama si Kian. Ako ito naiwan kasama ang unggoy na 'to. "Alam mo bang hindi ako nakapunta sa photoshoots ni Luiza dahil sa paghahanap sa'yo?" Kaya pala nagalit to eh. "At bakit mo naman kasi ako hahanapin? Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam? As if namang may pake ka." Sagot ko din. Bigla niyang hinablot ang pouch ko at tinapon sa may fountain. "Ba't mo tinapon? Bigay sa akin yon eh." Nakakainis talaga siya. "Palibhasa basura lang ang tingin mo sa akin. Ano pa kaya sa mga gamit na bigay sa akin? Wala ka talagang puso. Kahit kailan katulad ka sa kanila. Walang pakialam kung masasaktan man ako o hindi. Ganon ka eh. Ang bait mo! Sobrang bait." Sarkastiko kong sabi at lumusong na sa tubig. Inabot ang pouch na nakalutang sa tubig. Nang maabot ko na, umakyat na ako. Papasok na sana ako ng mansyon pero natisod ako. Ang buong akala ko mapasubsob ako sa floor pero may humawak sa baywang ko. "Di ka talaga nag-iingat." Tinulungan niya ako? Wala siyang puso diba? mabilis akong tumayo ng maayos at lumayo kunti sa kanya. "Basa ang coat mo at sapatos." Sabi niya pa. Hinubad ko nalang yung coat ko saka yung shoes ko. Mahirap na at magagalit na naman ang boss na to dahil mababasa ko ang sahig niya. "Ganyan suot mong namasyal?" Galit niyang tanong. Di talaga marunong pagsalitaan ako ng mahinahon. Kailangan talaga galit palage. Napatingin naman ako sa sarili ko. Wala naman akong napansing mali. Ang sexy ko kayang ting-ahm... ang nipis pala ng damit ko. Parang see through lang. "Nakacoat akong lumabas." Sagot ko. Hindi naman lumabas ng nakaganito kasi may coat naman ako. Bago paman ako pumasok sa mansyon pinasuot niya sa akin ang coat niya na ikinakunot ng aking noo. Tinalikuran niya na niya ako at nauna ng maglakad papasok. Pumasok na lang din ako. Nakita kong kausap parin ni mommy si Kian. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. "Buti nakita mo siya. Malungkot ang batang yon. Kung sakaling gusto mong pumasok sa buhay niya, mahihirapan ka dahil maliban sa amin at ng dalawa niyang kaibigan, wala na siyang pinapasok pa." Sabi ni mommy na ang 'pinapasok pa' lang ang narinig ko ng maayos. Humingi ako ng pasensya kina mommy dahil pinag-alala ko sila saka pa umakyat sa kwarto ko. *** "Kyaaah!" Nahulog pa talaga ako sa kama ko. Pa'no ba kasi pagising na pagising ko, may mukha na bumulaga sa mukha ko. "May expression ka rin pala pag magulat. Hahaha!" Sabi ni Luijen sabay tawa ng malakas. "Hoy Luizenfer! Ginagawa mo sa kwarto ko?" Tumatawa pa rin yung ugok. Tawa na kay Luiza niya lang pinapakita. "Wala akong ginawa sa kwarto mo aswang." Tukso niya pa. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at tumayo na. "Anong nangyayari at may sumisigaw?" Tanong ni mommy na nasa labas na ngayon ng kwarto ko. "Pano po kasi, pagdilat ko may panget na mukha ang sumalubong sa akin." Sagot ko agad. Tumawa lang si mommy habang nakasimangot na naman ang isang to. "Akala ko ano na. Sige maligo ka na Fhaye dahil mag-aalmusal na tayo at sumabay ka na kay Luijen sa pagpasok sa school." "Opo." Sasabay ako sa isa diyan? Maglalakad nalang ako mas mabuti pa yun. *** As if namang sasabay ako. Pagkatapos kong kumain, nauna na akong lumabas. Tumakbo pa ako mula 2nd floor palabas ng mansyon para lang di makakasabay ang isang yun. "Fhaye! Sabay ka na dito." Tawag ni ateng police. Police car na naman sasabayan ko ngayon. Agad na akong sumakay. "Thank you po." Sabi ko nang makababa na ako sa gate ng school. "Fhaye police at sundalo pa talaga ang tagahatid sundo sayo." Bungad sa akin ni kuya guard. "Ganyan lang po talaga basta po maganda." Biro ko. Tumawa lang si kuya guard. "O siya, pasok na." Taboy niya sa akin na nakangiti. Umalis na rin ako at dumiretso na sa class building namin. Sinalubong na naman ako nina Verse at Blaze. Di ko mapigilang makaramdam ng kirot sa dibdib maalala ko ang mga sitwasyon nila. Ngunit ayokong nakikita nila akong malungkot kaya naman sinalubong ko sila ng ngiti. "Absent ka dalawang araw, ako lang mag-isa dito." Yakap ako ni Verse sa harap while nasa likod si Blaze. "Saan ka nagpunta, ba't ka nag-absent?" Nakapout pang tanong ni Blaze. "Nakikipagdate." Sabi ko. "Talaga? Ba't di kami updated?" Verse. "Aray naman. Verse nasasaktan ako. Sino na naman ba iyang karibal ko ha? Mas gwapo ba yan sa akin ha? Ipakilala mo yan sa amin dahil kung hindi. Naku, naku. Naku." Pinakita pa ang kanyang kamao. Hinila ko na lamang siya baka kung saan-saan na naman papunta ang anumang lalabas sa bibig niya. "Pasok na nga tayo sa classroom, baka malate pa tayo eh." Sabi ko ngunit natigilan kami dahil humarang si Throne. "Anong kailangan mo?" Tanong ni Blaze na halatang hindi natutuwa makitang nakaharang si Throne sa daraanan namin. "Wa-wala akong binabalak na masama. Gusto ko lang makausap si Fhaye." Nauutal na paliwanag ni Throne. Ano naman kayang kailangan nito sa akin? "Can I talk to you?" Tanong niyang bigla sa akin. "We're talking right now." "Private talk can I?" Pakiusap niyang muli. Bakit kaya may paprivate talk pa siyang nalalaman? "Okay." Sagot ko nalang para matapos na agad to. Pumunta kami sa music room dahil malapit lang naman sa classroom namin at makikita ko kung dadaan na ang aming guro. "Anong gusto mong sabihin?" Pansin ko ang pamamawis niya at ang di mapakaling mga tingin at mga kamay. Nenenerbyos ang kuya niyo. "Pwe-pwedekabangligawan?" Mabilis na sabi niya na ikinagulat ng kaluluwa ko. Ano daw yun? "Maaari ba kitang ligawan? Ang totoo kasi nong binastos ko si Verse, paraan ko lang yon para mapansin mo. Ang ilap mo kasi masyado. Nagsasalita ka lang kapag ang dalawa mong kaibigan ang pinag-uusapan. Kapag hindi, dedma kami lagi." Ramdam ko ang sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi dahil sa kinikilig ako o dahil gusto ko siya kundi nagulat lang talaga ako na nag-alala na rin. Nag-alala na baka dahil lang sa dare na papalingunin ko siya gamit ang pagtitig ko sa kanya tapos nahulog na siya sa akin. Iyon ang ipinag-alala ko. Pero bumilis takaga ang t***k ng puso ko sa kaba at gulat kasi kahit hindi ko type ang lalaking ito, siya lamang kasi ang unang lalaking nagpaalam sa akin na manligaw ng harap-harapan. Hindi sa love letter o sa text kundi sa personal talaga. Kaya lang paano naman ako nagiging crush o gusto ng isang to? "Walang kaaya-aya sa akin. Pano mo ako nagugustuhan?" "Ewan. Basta nong una kang umapak sa high school, crush na talaga kita. Nagpagwapo pa talaga ako para masulyapan mo pero ibang mga babae tuloy ang humabol at nahulog sa akin. Nong grade 8 ka na sinubukan kong kalimutan ka at ibinaling ang atensyon sa iba pero nong sinapak mo ako. Nalaman kong ikaw pa rin ang gusto ko. Naalala mo pa ba yung una nating pagkikita?" Flashback.. Naglilibot kami nina Verse at Blaze sa school. First day pa kasi namin. Habang naglalakad sa hallway pinapanood ko ang mga grade 8 na nag-sosoccer sa may school soccer field. "Hi chicks." "Oy chicks oh. Bago." "Bata pa ang mga yan." "Hello!" Bati ng mga soccer player at kuamaway pa yung iba. Yumuko si Verse na halatang nahihiya, poker-faced ako pero si Blaze kinawayan din ang sila at nagflying kiss pa. "Yak! Bakla tol gwapo sana." Hindi na namin sila pinansin. Nong maglaro na sila palingon-lingon pa rin sa amin yung isa. Kaya nong ipinasa sa kanya ang bola di niya napansin at tumama sa noo niya. Kaya naman napatawa kaming tatlo. Bigla namang nahiya ang soccer player na iyon kaya nginitian ko nalang para di na gaanong mahiya at nag-go fighting gesture sa kanya. Bigla naman itong namula. End of flashback. Napangiti ako sa naalala. "Totoy ka pa non." Sabi ko pa. Napakamot naman siya ng batok. "So, can I court you?" Bigla akong napaseryoso sa tanong niyang ito. "Sorry but you can't. Hindi ka pwedeng pumasok sa buhay ko. Im sorry." Sagot ko na walang pag-aalinlangan. Bigla naman siyang tumamlay at nalungkot. "Why? Wala ba talaga akong chance?" Seryoso ba talaga siya? "Wala talaga. kaya maiiwan na kita." Sabi ko at aalis na sana ngunit napatigil dahil sa sinabi niya. "Then I'll wait." "Wala kang mapapala pag ginawa mo yun." "It's okay. Maghihintay pa rin ako." Kulit din ng lahi nito. "Saying it's okay were everyones greatest lie. We say its ok but the truth it hurts inside. Don't let yourself hurt because of someone like me. I'm not worth for someones tears. Sige na, alis na ako." "I'm sorry." Huli kong sabi saka iniwan na siya. Nakasalubong ko si Kian na kumaway sa akin, naghalf smile lang ako. Nakita ko naman si Luijen na salubong ang kilay. Nilabasan ko lang siya ng dila saka inirapan. "Ang tagal kong naghintay sa labas tapos-" Nagtakip na ako ng tainga dahil nagsisimula na naman siya diyan sa kakasermon niyang mas talo pa ang isang tatay. "Gerrafe!" Sigaw niya na nangggigigil talaga siya sa galit. Lalo ko pang tinakpan ang tainga ko. "Aray ko!" Binato ba naman ako ng libro. "Lucifer ka! Isumbong kita kay ate Luiza eh." Sigaw ko sa kanya. Batuhin ba naman ako ng libro? Muntik ng maalog ang utak ko dahil sa kanya. "Di magsumbong ka, as if namang takot ako don." Sagot niya at nagcross arms pa. "Bakit mo kilala si Luiza?" Tanong ni Rex na isa sa mga kaibigan ni Luijen. Napatingin ako kay Rex then Jeff tapos sa tahimik na si Kian. "Ah, malelate naa ako. Byebye." Sabi ko at kumaripas na ng takbo. Nakakabanas kasi ang Luijen na yun. Hindi ko naman masasabi na kilalang-kilala ko si Luiza dahil natitiyak akong papahirapan lang ako sa masungit na yun. Muntik na akong mahuli. Mabuti na lang at late na din si maam ng ilang minuto kaya di pa ako gaanong late. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD