RANDALL POV SUMUNOD na umaga, dinala siya ni Andrea sa lanai dahil sabi nito, kailangan niya raw mabilad sa araw at makalanghap ng sariwang simoy ng hangin. Mas paborable na rin ito sa kanya dahil pareho naming iniiwasan ang masikip na espasyo ng kwarto matapos ang nangyari kahapon. Tahimik lang kaming dalawa. Tanging ang kaluskos lang ng kutsilyo ang naririnig habang maingat na nagbabalat ng mansanas si Andrea para sa kanya. Matiim siyang nakatitig sa dalaga—kalmado ang mukha nito, tila ba tuluyan na ng ibinalik ang propesyonal na pader. Pero habang pinagmamasdan niya ang bawat dahan-dahang pagkilos ng mga kamay nito, biglang sumulpot ang isang tanong sa isip niya. Isang tanong na hindi ko na naman napigilang pakawalan. "Andrea," tawag niya. Napatigil ito sa pagbabalat at nag-ang

